MRT, mahaba ang pila, mabagal ang takbo | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
MRT, mahaba ang pila, mabagal ang takbo
MRT, mahaba ang pila, mabagal ang takbo
ABS-CBN News
Published Jun 15, 2017 04:06 PM PHT
|
Updated Jun 16, 2017 04:30 AM PHT

Nagdulot ng mahaba at matagal na pagpila ang pagpapabagal sa takbo at pagbawas sa mga tren ng Metro Rail Trail Line-3 (MRT-3) ngayong Huwebes.

Humingi naman ng paumanhin ang Department of Transportation at MRT para rito. Nais lamang umano nilang maging sigurado na mananatiling ligtas ang mga pasahero.

Kaninang madaling araw, humaba agad ang pila ng pasahero sa Taft Avenue Station bago pa mag-alas-5. Alas-5:29 na rin binuksan ang istasyon kaya naipon at humaba ang pila ng mga pasahero. Dahil dito, bago mag-alas-6 na ng umaga nag-umpisa ang biyahe ng tren.

Sa North Avenue station, mas pinaaga ang biyahe nang alas-4:30 ng madaling araw, pero sumobra pa rin ang haba ng pila ng mga pasahero.

Sa kabila nito, marami pa rin ang nagtiyaga na pumila dahil mabigat pa rin ang daloy ng trapiko sa EDSA.

Sa bus kasi mula North Ave. hanggang Makati, inaabot ng dalawang oras o higit pa ang biyahe. Samantalang sa MRT, kahit mabagal ang takbo, inaabot lang ng halos isang oras.

Pagsapit ng alas-8 ng umaga, higit 300 metro na ang pila sa North Avenue.

Una nang inanunsiyo ng MRT-3 noong Miyerkoles na babawasan ang mga bumibiyaheng tren sa 16 mula sa dating 20 ngayong araw. Ginawa ring 20 kilometer per hour ang takbo nito mula sa dating 40-60 kilometer per hour.

"Kami po ay humihingi ng paumanhin sa taumbayan, lalo na sa mga mananakay sa krisis na ito... Di bale kaming murahin ng mga mananakay, ng iba't ibang sektor. Di bale kaming murahin kaysa makita ang mga pasahero na umiiyak sa ospital o nananahimik sa sementeryo," sabi ni Chavez.

Inanunsiyo ang pagsasagawa ng inspeksiyon at pagpapabagal ng takbo ng tren matapos masira ang axle ng isa sa mga bagon nito kahapon, Miyerkoles.

Ayon kay MRT Director for Operations Deo Manalo, posibleng ma-derail o maalis sa riles ang tren kung masira ang axle nito.

"Worst case scenario po talaga 'yung mabilis ang takbo, nabali ang axle puwede po tayong magkaroon ng derailment. Pero gusto pa namin ma-assure na hindi mangyayari ito," ayon kay Manalo.

Operasyon ng MRT-3, inaasahang balik-normal sa Biyernes
Inaasahang babalik na muli sa normal ang operasyon ng MRT-3 sa darating na Biyernes, ayon sa isang opisyal ngayong Huwebes.

Sisikapin ng MRT-3 na matapos ang isinasagawang safety checks sa mga tren ngayong Huwebes ng gabi, ayon kay Transportation Undersecretary for Rail Cesar Chavez.

"Ngayong gabi, inaasahan nating matatapos na lahat ng safety checks at bukas ng umaga, Biyernes, inaasahan nating balik na sa 20 trains during peak hours and 15 trains during non-peak hours," ani Chavez.

Sinabi ito isang araw matapos abisuhan ng MRT-3 ang mga pasahero na pansamantalang mababawasan at babagalan ang mga tatakbong tren dahil magkakaroon ng inspeksiyon sa mga ito hanggang sa darating na Linggo.

Mga pribadong bus at sasakyan ng gobyerno, nakaantabay para sa mga pasahero
Nanawagan na rin si Manalo sa publiko na iwasang sakyan ang MRT sa peak hours (7am-8am, 5pm-7pm), at gamitin ang mga pribadong bus na inilaan ng gobyerno.

May 80 pribadong bus ang inilaan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board para sa mga pasaherong maaabala kasunod ng inspeksiyon sa mga tren ng MRT.

Tig-10 bus ang ipoposte kada istasyon ng MRT. Nakapuwesto ito sa bay area upang hindi makasagabal sa trapiko.
Tig-10 bus ang ipoposte kada istasyon ng MRT. Nakapuwesto ito sa bay area upang hindi makasagabal sa trapiko.
ADVERTISEMENT
Bukod dito, tinanggal na rin ng Metropolitan Manila Development Authority ang number coding sa mga bus na bumibiyahe sa EDSA. Mayroon na ring mga naka-standby na sasakyan ng gobyerno upang umalalay sa mga pasahero.

Mga bagong bagon, posibleng magamit na sa Hulyo
Hindi pa rin mapatakbo ang mga bagong bagon ng tren dahil kailangan pa umano nitong dumaan sa testing.

Kulang pa rin ang mga nakabitan ng signalling system, at naputol ang test run nito nang magkabit ng libreng wi-fi sa linya.

Kasalukuyan nasa 20 pa lang sa 48 biniling bagon ang nalagyan ng signalling system. Daraan pa ang mga ito sa sytematic at railway test, kaya maaaring sa mga susunod na buwan pa magamit ang mga ito.

Ikakalat ang mga bagong bagon sa ibang lumang tren upang mas humaba ito at mas marami ang mga makasakay.

-- May ulat nina Jacque Manabat, Zhander Cayabyab, at Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News
Read More:
patrolph
tagalog news
mrt
pasahero
balita
pasada
jacque manabat
zhander cayabyab
anjo bagaoisan
tv patrol
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT