Alimodian municipal hall sa Iloilo naka-lockdown | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Alimodian municipal hall sa Iloilo naka-lockdown

ABS-CBN News
Published Jun 14, 2021 03:51 PM PHT

ILOILO - Pansamantalang naka-lockdown ang munisipyo ng Alimodian sa Iloilo matapos magpositibo sa COVID-19 ang 3 kawani nito at maitala ang pagtaas ng kaso ng sakit sa bayan.

Sa advisory na inilabas ng lokal na pamahalaan, simula Lunes, Hunyo 14, hanggang Biyernes, Hunyo 18, ay pansamantalang sarado ang munisipyo para bigyang daan ang gagawing disinfection sa gusali.

Sa 3 nagpositibo sa virus, 2 rito ay nagtatrabaho sa mayor's office. Ang isa ay nakatalaga sa engineering office.

Nasa quarantine facility na ng bayan ang 3 kawani.
Nasa quarantine facility na ng bayan ang 3 kawani.
ADVERTISEMENT
Sinimulan na rin ang contact tracing.
Sinimulan na rin ang contact tracing.
Inabisuhan ang mga kawani ng Alimodian LGU na mag-work-from-home para maiwasan ang pagkalat ng virus.

Sa pinakabagong record na inilabas ng Alimodian COVID-19 Team, mayroong 56 na aktibong kaso ang bayan. Nakapagtala ito ng 126 na kaso ng coronavirus infection mula nang magsimula ang pandemya.

KAUGNAY NA ULAT
-- Ulat ni Rolen Escaniel
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT