Sino si Pastor Joel Apolinario ng Kapa Ministry? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Sino si Pastor Joel Apolinario ng Kapa Ministry?

Charmane Awitan,
ABS-CBN News
Published Jun 14, 2019 12:09 AM PHT

Usap-usapan ngayon ang Kapa Community Ministry International, ang grupong itinatag ni Pastor Joel Apolinario.

Nagsimula bilang isang disc jockey (DJ) at technician sa isang FM radio station sa Bislig City, Surigao del Sur si Apolinario.

Ayon sa isang dating kasama sa trabaho, sa technician's booth ng istasyon unang naipundar ang Kapa.

Proyekto umano ito ni Apolinario para makatulong sa mga mahihirap.
Proyekto umano ito ni Apolinario para makatulong sa mga mahihirap.
ADVERTISEMENT
Isa si Emmy Gala sa mga unang nagbigay kay Apolinario ng donasyon.

Setyembre 2016 nang naaprubahan ang pagkuha ni Apolinario ng business permit mula sa lokal na pamahalaan ng Bislig City para sa kaniyang Kapa-Co Convenience Store and General Merchandise. Noong Marso 2017, napalitan ito at naging Kapa Community Ministry International.

Pero noong Pebrero 2017, napag-alaman ng lokal na pamahalaan na may 30 porsyentong interes na tinatanggap buwan-buwan ang mga nakakakuha ng "blessings" sa mga donasyon.

“They have no convenience store. The recommendation of the investigation committee is to revoke the business permit," ani Mayor Librado Navarro.

Mula Bislig City, lumipat sa General Santos City ang pamilyang Apolinario at iniwan ang kanilang bahay sa Castillo Village. Pansamantala itong tinitirhan ng isang pamilyang kaibigan ng mga Apolinario.

Maraming mga taga Bislig City ang nakinabang umano sa Kapa pero mayroon rin iba na nagsabing hindi na ulit sila magpapabiktima sa mga tinatawag na investment scams.

Magugunitang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-aresto sa mga opisyal ng Kapa Ministry dahil sa pagkakaugnay ng korporasyon sa investment scam.

Nauna na ring sinabi ng Securities and Exchange Commission na posibleng isa ang pag-scam ng Kapa sa pinakamalaking scam sa Pilipinas na aabot sa P50 bilyon ang nakuhang halaga.

Read More:
Joel Apolinario
Kapa Community Ministry International
investment scam
Bislig City
Tagalog news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT