Nurse patay nang mahulog mula sa zipline sa Tabuk, Kalinga | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Nurse patay nang mahulog mula sa zipline sa Tabuk, Kalinga

ABS-CBN News
Published Jun 13, 2022 11:59 PM PHT
|
Updated Jun 14, 2022 06:32 PM PHT

Patay ang isang lalaking nurse matapos mahulog sa zipline ng isang resort sa lungsod ng Tabuk, Kalinga, Linggo ng hapon, Hunyo 12.

Ayon sa Tabuk City Police, ang nasawi ay 31-anyos na residente ng Bulanao Centro sa nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon, sumakay umano ang biktima sa zipline kung saan ay natapos nito ang kanyang unang ride nang walang anumang aberya.

Pero sa ikalawang pagsakay nito ay natanggal umano ang kanyang kamay sa pagkakahawak sa zipline hanggang sa nahulog siya.

ADVERTISEMENT
Nasalo pa siya ng safety net ngunit nabutas at napunit ito, dahilan para tuluyang bumagsak sa lupa ang biktima.

“Walang harness ‘yung zipline. May hinahawakan, naka-hang ka na mag-slide. Kapag binitawan mo ‘yun, pwedeng bumagsak ka dun sa pool o dun sa safety net,” sabi ni PSMS Ford Wassid, information officer ng Tabuk Police.

“Bumagsak siya sa safety net, pero napunit ‘yung safety net kaya diretso dun sa bandang semento na gilid ng pool,” dagdag niya.

Nadala pa sa ospital ang nurse pero idineklarang dead on arrival ng umasikasong doktor. Patuloy ang imbestigasyon.

—Ulat ni Harris Julio
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT