Dating preso patay sa pamamaril sa Davao City | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Dating preso patay sa pamamaril sa Davao City

ABS-CBN News
Published Jun 13, 2021 11:56 AM PHT

Patay ang isang dating preso matapos umanong barilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa Davao City, tanghali ng Sabado.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktima bilang si Allan Sabardan, 47 anyos na nagtatrabaho bilang manikurista.

Taong 2018 nang makalabas ng Davao city Jail si Sabardan, na nasangkot noon sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga.

Ayon sa pulisya, nasa bahay ang biktima sa Barangay Los Amigos nang mangyari ang insidente.
Ayon sa pulisya, nasa bahay ang biktima sa Barangay Los Amigos nang mangyari ang insidente.
ADVERTISEMENT
Kasama umano ni Sabardan ang pamangkin niyang nagdiriwang ng kaarawan nang biglang pasukin ang bahay ng 2 lalaki, na 2 beses bumaril sa biktima.

Tumakas ang mga gunman sakay ng motorsiklo.

Ayon sa pulisya, minamanmanan nila si Sabardan dahil patuloy pa rin umano ang pagbebenta ng shabu nito.

Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga responsable sa krimen.

— Ulat ni Chrislen Bulosan
RELATED VIDEO
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT