PatrolPH

2 pawikan nasagip sa Northern Samar

ABS-CBN News

Posted at Jun 13 2021 12:28 PM

2 pawikan nasagip sa Northern Samar 1
Retrato mula sa Lapinig police

Dalawang pawikan ang nasagip sa bayan ng Lapinig, Northern Samar nitong Sabado.

Ayon sa ulat ng Lapinig police, ang isang pawikan ay may bigat na 16 kilo habang ang isa'y aabot sa 5 kilo.

Pumasok umano ang mga pawikan sa lambat ng ilang mangingisda sa bayan.

Pero agad ding napakawlaan ang mga pawikan sa tulong ng pulisya, na nasa parehong lugar noong mga oras na iyon at nagsasagawa ng tree-growing activity para sa Independence Day.

— Ulat ni Ranulfo Docdocan

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.