TINGNAN: Araw ng Kalayaan sa iba't ibang panig ng bansa | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
TINGNAN: Araw ng Kalayaan sa iba't ibang panig ng bansa

ABS-CBN News
Published Jun 12, 2019 03:11 PM PHT
|
Updated Jun 12, 2019 07:07 PM PHT

Nakiisa ang mga Pilipino sa iba’t ibang panig ng bansa sa pagdiriwang ng ika-121 taon ng Araw ng Kalayaan.

Pinangunahan nina Vice President Leni Robredo ang pagtataas ng bandila at pag-aalay ng bulaklak sa monumento ng bayaning si Jose Rizal kasama si Manila Mayor Joseph Estrada.

Naging panauhing pandangal naman si Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa pagdiriwang sa Barasoain church, sa Malolos, Bulacan kung saan itinatag ang unang Kongreso ng bansa at unang konstitusyon ng Pilipinas.

Speaker Arroyo, Bulacan officials at the flag ceremony in Baraosain Church for #Kalayaan2019 earlier today. (OSGMA photos) pic.twitter.com/UcH8zR61TZ
— RG Cruz (@R_G_Cruz888) June 12, 2019

Muli namang isinadula ang unang pagwagayway ng bandila ng Pilipinas sa Aguinaldo Shrine sa Kawit, Cavite. Ito ay pinangunahan ni Sen. Cynthia Villar.

Sen. Cynthia Villar, pinangunahan ang pagtataas ng watawat ng Pilipinas sa Aguinaldo Shrine sa Kawit, Cavite pic.twitter.com/Fyfc0NzfHS
— Dennis Cabral Datu (@Dennis_Datu) June 11, 2019

Hunyo 12, 1898 nang unang iwinagayway ang bandila ng Pilipinas sa sa pangunguna ni Heneral Emilio Aguinaldo sa balkonahe ng kaniyang bahay sa Kawit.

Mahigpit ang seguridad sa paligid ng Aguinaldo Shrine at isinara rin sa mga motorista ang ilang bahagi ng kalye.

Pagkatapos naman ng programa ay binuksan ang job fair sa harapan ng Aguinaldo Shrine. Ibinida rin dito ang iba't ibang produktong ipinagmamalaki ng Cavite.

Sa isang pahayag, sinabi naman ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakikiisa siya sa mga Pilipino sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.

Aniya, hindi dapat kalimutan ang mga bayani at hindi dapat mauwi sa wala ang kanilang pangarap na malaya at maunlad na bansa.

"Let us commit ourselves to ensure that their sacrifices have not been in vain and that their dream of a truly independent Philippines - whose people live freely in a secure, stable and prosperous society - will be achieved within our lifetime," anang pangulo.

MGA REHIYON
Bumida sa San Fernando sa Pampanga ang mga float gaya ng bandila ng Pilipinas.

Sa Ligao city, Albay, maaga namang ginunita ng mga mountaineer ang Araw ng Kalayaan sa pamamagitan ng pagkanta ng “Lupang Hinirang” sa bahagi ng Mt. Masaraga. Panawagan nila pangalagaan ang kalikasan para sa susunod na henerasyon.

“Sana maalala natin kung pa'no tayo naging separate sa mga sumakop sa atin sa Pilipinas,” ani Glen Calixto, isang mountaineer.

Nagpalipad naman ng 121 kalapati ang mga pulis ng Police Regional Office 7 para sa flag raising ceremony sa Cebu bilang simbolo ng kalayaan ng bansa.

“There are times that you have to reflect for what you have done, what you have not done for one year, for the good of the country, for the good of your people, for yourself,” ani PRO7 director Police Brig. Gen. Debold Sinas.

LOOK: A giant Philippine flag measuring 16x36 ft. paraded and raised in Rizal Park, Plaza Divisoria in Cagayan de Oro in celebration of 121st Independence Day. | via Angelo Andrade, ABS-CBN News pic.twitter.com/66Op2Y7koD
— Angelo Andrade (@siangeloandrade) June 11, 2019

Makulay rin ang selebrasyon sa Cotabato City kung saan daan-daang bandila ang iwinagayway.

Isinadula rin ang ginawang pagpapakabayani ni Jose Rizal at ibinida sa isang cultural presentation ang mga makaluma nilang kaugalian at tradisyon.

Ipinarada at iwinagayway sa Rizal Park sa Plaza Divisoria, Cagayan De Oro ang higanteng bandila na may laking 13 by 36 talampakan. -- May ulat nina Adrian Ayalin, RG Cruz, Angelo Andrade, at Joyce Clavecillas, ABS-CBN News