Suspek sa pagdukot sa Italyanong pari, napatay matapos manlaban umano | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Suspek sa pagdukot sa Italyanong pari, napatay matapos manlaban umano

Suspek sa pagdukot sa Italyanong pari, napatay matapos manlaban umano

Chrisel Almonia,

ABS-CBN News

Clipboard

ZAMBOANGA CITY - Patay ang isang hinihinalang miyembro ng Waning Abdusalam Group nang manlaban umano ito sa mga awtoridad sa Barangay Mampang sa Zamboanga City nitong Miyerkoles ng madaling araw.

Ayon kay Police Captain Edwin Duco, tagapagsalita ng Zamboanga City Police Office, kabilang ang suspek sa mga dumukot sa Italyanong paring si Fr. Gian Carlo Bossi noong June 2007 sa Payao, Zamboanga Sibugay.

Nagtamo ang suspek ng dalawang tama ng bala sa katawan na kaniyang ikinamatay.

Ayon sa Zamboanga City Police Office, nakuha sa suspek ang ilang blasting caps, detonating cord, electric wire, at isang caliber .45 na baril.

ADVERTISEMENT

Ang Waning Abdusalam Group ay isang grupo na dating kaanib umano sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ang grupong ito ay sangkot sa mga kidnapping sa Zamboanga Sibugay at iba pang karatig na probinsya sa Zamboanga peninsula, ayon sa mga pulis.

Agad inilibing ang napatay na suspek, alinsunod sa tradisyong Islam.

Pero iginiit ng pamilya ng suspek na hindi totoong sangkot ang kamag-anak nila sa nasabing kidnap-for-ransom group.

Isa lang umano itong hamak na imam sa nasabing lugar.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.