Inaresto ng Kawit police ang 10 na mga miyembro ng mga iba’t ibang grupong nagtangka umanong magprotesta sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Aguinaldo Shrine sa Kawit, Cavite.
Kasama umano sa mga grupong Anakbayan, Bayan Southern Tagalog at Pamantik ang mga naaresto at kinabibilangan ng dalawang menor de edad. Inalmahan ito ng mga grupo at sinabing karapatan nilang maghayag ng hinaing.
Ayon kay Col. William Segun, provincial director ng Cavite PNP matapos na maaktuhan ng mga pulis na maglaladlad na sila ng mga placards at magsisisigaw na habang nagaganap ang programa kung saan panauhin pandangal si Senador Cynthia Villar.
Dumalo din sa programa si dating pangulong Fidel Ramos at dating Prime Minister Cesar Virata at mga miyembro ng pamilya ni dating pangulong Emilio Aguinaldo.
Nakita sa bag ng mga naaresto ang mga gamit pang protesta at P40,000.
Dinala na sila sa Kawit police station at pinag-aaralan ng pulisya na sampahan sila ng kaso na alarm and scandal.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog News, protest, Araw ng Kalayaan, Independence Day, Aguinaldo Shrine,