14 residente sa Pampanga, sinakmal ng asong may rabies | ABS-CBN
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
News
14 residente sa Pampanga, sinakmal ng asong may rabies

ABS-CBN News
Published Jun 11, 2023 11:34 AM PHT
PAMPANGA — Hindi bababa sa 14 residente ng Barangay Calulut sa San Fernando City ang sunod-sunod na itinakbo sa ospital matapos makagat ng asong may rabies nitong Huwebes.

Mga bata ang karamihan sa mga sinakmal, ayon sa mga awtoridad.

Sa kuha ng CCTV camera sa isang talipapa sa nasabing barangay, kita ang pagpasok ng aso sa tindahan Huwebes ng hapon.

Ilang saglit pa, biglang inatake at kinagat ng aso ang mukha ng babaeng bantay na noo'y nakaupo lang at nagpapahinga.

ADVERTISEMENT
Sa ibang CCTV footage naman, nakitang biglang natumba nang patihaya ang isang bata paglabas na paglabas ng pintuan ng kanilang bahay. Inatake din ito ng aso kinagat sa mukha.

Iisa lang umano ang aso na nasa likod ng mga sunod-sunod na pagsakmal ng mga residente ng Barangay Calulut, ayon sa beterinaryong si Dr. Ryan Paul Manlapas ng San Fernando City Agriculture and Veterinary Office.

"Iyong atake kasi is mabilisan, biglang magmo-move forward yung aso kakagat tapos biglang aatras na kaagad tapos biglang tatakbo na sa ibang bahay," sabi ni Manlapas.

Napag-alamang Belgian Malinois ang breed ng asong nangagat. Namatay ito matapos hulihin at hampasin ng mga residente dala ng takot na baka sakmalin din sila.

Nang ipasuri ang aso sa Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory, nagpositibo ito sa sakit na rabies.

Posible raw na naipasa ng aso ang rabies virus sa mga taong nakagat nito, ani Manlapaz. Kung hindi raw ito maagapan agad, posibleng ikasawi ng mga biktima ang impeksyong dala ng sakit.

Naitakbo naman sa pagamutan ang mga nakagat ng aso at nabigyan ng anti-rabies post-exposure vaccination.

Sa ngayon, hindi pa rin matukoy kung sino ang nagmamay-ari sa asong nangagat.

Sa ilalim ng Anti-Rabies Act of 2007, obligasyon ng mga dog owner na bakunahan kontra rabies at iparehistro ang kanilang mga alagang aso.

Sagot din ng mga may-ari ang anumang gastos sa pagpapagamot sakaling may kinagat ang alaga.

Panawagan naman ni Kagawad Dario Dizon ng Barangay Calulut, sana ay itali ng mga residente ang kanilang mga alagang aso.

Nitong Biyernes, nagsagawa ng animal impounding operations sa nasabing lugar na itutuloy hanggang sa susunod na linggo sa mga katabing barangay.

Magkakaroon din ng vaccination drive sa iba't-ibang mga barangay para sa booster shots ng mga alaga kontra rabies.

—Ulat ni Gracie Rutao
KAUGNAY NA VIDEO:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT