DOLE humirit ng P5 bilyon pantustos sa naubos na leave ng mga manggagawa | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
DOLE humirit ng P5 bilyon pantustos sa naubos na leave ng mga manggagawa

ABS-CBN News
Published Jun 11, 2021 09:54 PM PHT

MAYNILA — Humihingi ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng P5 bilyong pondo mula sa panukalang Bayanihan 3 para sa compensation ng mga manggagawang naubusan na ng leave credits at kailangang mag-absent dahil sa pandemya.

Pwedeng mapabilang dito, halimbawa, ang mga tatamaan ng COVID-19, mga maka-quarantine bilang close contact o di kaya ay nakaranas ng adverse effects dahil sa bakuna.

"More than a year na po tayo and I'm sure all the leave credits that they earned ay talagang exhausted na... Ang worker pipilitin niya pa ring pumasok dahil natatakot sya na pag di siuya pumasok wala siyang susuwelduhin... 'Yung mga ganitong agam-agam po ng ating mga kababayan inisip po namin na matulungan din," sabi ni DOLE Assistant Secretary Dominique Rubia-Tutay.

Ayon naman sa Defend Jobs Philippines (DJP), umpisa pa lang ng pandemic ay eto na ang problema ng mga manggagawa.
Ayon naman sa Defend Jobs Philippines (DJP), umpisa pa lang ng pandemic ay eto na ang problema ng mga manggagawa.
ADVERTISEMENT
& Sang-ayon sila na dapat pondohan ang ganitong uri ng ayuda pero dapat rin daw, magkaroon na ng paid pandemic leave.

"Hindi lang itong pandemic na COVID-19 ang mararanasan natin, marami pa. Kaya maganda sana nakasulat na siya sa batas ng bansa natin [para] madaling makuha ng mga manggagawa hindi tulad ngayon lagpas 1 taon pa bago tayo nagkaroon ng ganitong pronouncements sa DOLE," sabi ni DJP spokesman Christian Lloyd Magsoy.

Sa ilalim ng panukalang Bayanihan 3, na pasado na sa Kamara, may P30 bilyon ang DOLE para sa cash assistance program nila sa mga displaced workers at OFWs, at emergency employment sa informal sector.

Gayunpaman, wala pang iniisyung certificate of availability of funds ang Bureau of Treasury na magsisigurong may sapat na pera ang gobyerno para pondohan ang naturang panukalang batas.

—Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
TV Patrol
TV PATROL TOP
hanapbuhay
DOLE
Department of Labor and Employment
leave
leave credits
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT