Pulis kinasuhan sa pagpatay sa aso sa Maynila | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pulis kinasuhan sa pagpatay sa aso sa Maynila

Pulis kinasuhan sa pagpatay sa aso sa Maynila

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 11, 2020 07:05 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Kinasuhan ngayong Huwebes ang isang pulis na umano ay pumatay sa isang aso sa Maynila matapos barilin dahil sa kalasingan.

Kasong malicious mischief at paglabag sa Animal Welfare Act ang isinampa ni Rene Timbol laban kay Mark Lyndon de Ocampo matapos umano nitong barilin ang kaniyang aso sa kanilang lugar sa Sampaloc district noong Hunyo 6.

Patuloy namang pinaghahanap ang suspek, na nakatalaga sa Philippine National Police Aviation Security Group.

Base sa imbestigasyon, matapos ang pamamaril, nagpunta sa barangay si De Ocampo para magsumbong na kinagat daw siya ng aso ni Timbol.

ADVERTISEMENT

Pero ayon kay Timbol, nakakadena ang kaniyang aso kaya malabong ito ang nakakagat sa pulis.

Ayon kay Lt. Col John Guiagui, pinuntahan nila ang bahay ng suspek pero wala ito doon.

Hinihintay ng mga pulis na lumantad ang suspek para magbigay ng kaniyang panig.

Sa social media, kinondena ng ilang animal rights group ang pagpatay. -- Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.