Ilang guro, estudyante aasa sa donasyong gadget | ABS-CBN
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
News
Ilang guro, estudyante aasa sa donasyong gadget

ABS-CBN News
Published Jun 11, 2020 07:22 PM PHT
Umaasa ang senior high school student na si Jasmin San Jose — na nakatira sa kabundukan ng Tanay, Rizal — na tuloy ang pasukan sa Agosto sa gitna ng patuloy na banta ng coronavirus disease (COVID-19).

Dahil mananatiling sarado ang eskuwelahan niyang Santo Niño Integrated School, aasa siya sa print modules na pinaghahandaan ng Department of Education.

Gusto sana niya na gabayan din siya ng mga guro sa pamamagitan ng internet pero walang signal sa kanilang lugar at wala ring gadget ang hikahos na pamilya.

"Habang kaharap ko ang module, kaharap ko rin po dapat ang teacher at ang internet, pa-video call, para maipapaliwanag sa akin nang maayos kung ano ang dapat gawin," ani San Jose.

ADVERTISEMENT
Ang guro sa eskuwelahan ni San Jose na si King Gerome Barrera ang humingi ng tulong sa Office of the Vice President (OVP) para sa internet access at gadgets na magagamit ng mga estudyante na halos kalahati ay mga katutubo.

Tulad ng ibang lokal na pamahalaan na gagastusan ang gadgets ng mga estudyante, gustong tumulong ng opisina ni Vice President Leni Robredo sa pamamagitan ng pangangalap ng mga donasyong lumang gadget at accessories.

Pinaghahandaan na rin ng mga co-teacher ni Barrera ang darating na pasukan at abala sila sa enrollment sa gitna ng pandemya.

Bagaman may laptop ang eskuwelahan nina Barrera, karamihan sa 28 guro nito ay mga personal na gadget at internet ang ginagamit.

Ayon sa DepEd, makatutulong ang plano ng mga local government unit, OVP, at pribadong sektor para matuloy ang pag-aaral ng mga estudyante.

"Ine-encourage natin ang donations pero may inilabas ang ating ICT service na mga minimum requirements sa gadgets para ma-optimize ang gamit nito," ani Education Undersecretary Diosdado San Antonio.

Sa pagdinig sa Senado, tiniyak naman ni Education Secretary Leonor Briones na "all systems go" na ang pagbubukas ng klase sa Agosto 24.

Kung walang gadgets, puwede namang sa pamamagitan ng telebisyon, mga module na naka-print, at homeschooling ang pag-aaral.

Sa Hulyo 15 makikipagpulong si Briones kay Pangulong Rodrigo Duterte para isapinal kung may face-to-face learning sa mga lugar na walang kaso ng COVID-19.

-- Ulat ni Adrian Ayalin, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
education
edukasyon
gadget
laptop
tablets
Department of Education
online learning
distance learning
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT