'Bakit si Sinas?': Mga pasimuno ng 'mañanita protest' may babala sa mga pulis | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Bakit si Sinas?': Mga pasimuno ng 'mañanita protest' may babala sa mga pulis

'Bakit si Sinas?': Mga pasimuno ng 'mañanita protest' may babala sa mga pulis

Doris Bigornia,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 11, 2020 08:56 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Kasado na ang tinaguriang "mañanita protest" na idaraos sa Biyernes kasabay ng Independence Day, kahit pa mayroong kinahaharap na pandemyang COVID-19.

Giit ng mga raliyista, walang sinasabi sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) guidelines na bawal ang rally.

"Bawal sa mga religious activities... pero walang sinasabi sa mga rally... Saka dalawang oras lang ang rally, mas matagal pa 'yung mañanita ni [Debold] Sinas (National Capital Region Police Office chief), mas matagal pa 'yung meeting ni Mocha [Uson] sa mga OFW, mas matagal pa 'yung pag-stay ni [Koko] Pimentel sa ospital," depensa ni National Union of Peoples' Lawyers president Edre Olalia.

Giit ni Olalia, walang susuwaying health protocols ang mga magma-mañanita. At para matiyak na istriktong masusunod ang mga health protocol, naglabas sila ng sariling guidelines.

ADVERTISEMENT

Gagawin ang mga protesta sa UP Diliman at sa Mendiola sa Maynila.

Ayon kay Olalia, hindi sila uurong sa mga manghuhuli kahit mangyari pa ang ginawa ng mga pulis sa mga nagprotesta sa UP Cebu.

"Merong Enrile-Sotto law na hindi puwedeng pasukin ng mga awtoridad ang UP para manghuli ng protesters... Kakasuhan namin ang lalabag sa batas na 'yan," ani Olilia.

Hindi nagbigay ng crowd estimate si BAYAN secretary general Renato Reyes dahil bukod sa pisikal na rally ay nag-organisa rin sila ng online protest.

Pinagtawanan din nila ang pahayag ng Palasyo na hanggang 10 lang ang maaaring dumalo sa pagtitipon.

"Hindi naman ito basketball, sa football nga eleven eh... Basta ang nasisiguro ko, lagpas 10 ang sasali... Napatunayan naman namin nung nakaraang rally na kaya ang social distancing... Ang issue naman kasi kapag sila ang gagawa, puwede, pero kung pagpapahayag na ng constitutional rights, pinagbabawal?" ani Olalia.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.