10 patay sa aksidente sa Davao City

Hernel Tocmo, ABS-CBN News

Posted at Jun 11 2019 01:42 PM | Updated as of Jun 11 2019 06:48 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Sampung tao ang napatay matapos araruhin ng truck ang 11 sasakyan sa Davao City nitong umaga ng Martes.

Bandang alas-9 ng umaga nang banggain ng truck ang mga sasakyan, na kinabibilangan ng mga kotse, multicab, SUV, van, motorsiklo, at tricycle.

Sa impormasyon ng pulisya, nawalan ng preno ang van na may kargang sako-sakong bigas.

Kasama sa mga nasawi ang isang 3 taong gulang na batang natabunan ng sako ng bigas.

Ikinulong sa Talomo District Police Station ang driver ng truck na nagsabing hindi niya sinadya ang nangyari.

Humingi siya ng tawad sa mga biktima.

Posibleng maharap ang driver sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide and damage to property.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.