Tambak na basura, inanod sa Baywalk sa Maynila

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Jun 10 2018 08:49 AM | Updated as of Jun 10 2018 09:52 AM

ABS-CBN News

ABS-CBN News

ABS-CBN News

ABS-CBN News

ABS-CBN News

MANILA - Kasunod ng halos walang tigil na pagbuhos ng ulan, tambak na ang basurang inanod sa dalampasigan ng Baywalk sa Roxas Blvd. ngayong Linggo ng umaga.

Sari-saring mga basura tulad ng plastik, kahoy, styrofoam, pinagbalatan ng pagkain at iba pa ang inanod malapit sa US embassy.

Sa bahagi naman ng Baywalk sa may Pedro Gil, nakasiksik sa mga tipak ng bato ang mga tsinelas at iba pang mga kalat.

Watch more in iWant or iWantTFC

Ayon sa mga naglilinis na tauhan ng Manila City Hall, limang araw na nilang nililinis ang lugar.

Isang truck kada araw ang nahahakot nilang basura na karamihan ay inanod lamang daw sa karatig lugar ng Maynila tulad ng Laguna at Cavite.

Watch more in iWant or iWantTFC

Hindi umano agad mauubos ang basura dito habang patuloy ang ulan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.