Maruming tubig sa gripo, muling inireklamo ng mga residente sa Bulacan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Maruming tubig sa gripo, muling inireklamo ng mga residente sa Bulacan

ABS-CBN News
Published Jun 10, 2017 05:38 PM PHT
|
Updated Jun 10, 2017 07:37 PM PHT

Muling inireklamo ng mga residente sa Heritage Homes, Marilao, Bulacan ang mabaho at maruming tubig na lumalabas sa kanilang gripo dahil sa baradong filtering system ng water-treatment plant.

Daing ng mga residente, madalas walang lumalabas na tubig galing sa mga gripo at kung may tumutulo man, marumi at mabaho ito.

Bunga nito, kanya-kanyang diskarte ang mga residente sa pagsala at paglilinis ng tubig. Tuwing may rasyon naman ng malinis na tubig, todo-ipon na sila nito.

"Kahit naman sino, gusto ng malinis na tubig. Di naman ako naghahangad ng sobrang malinis na malinis. Iyong akin, iyong katanggap-tanggap naman kasi nagbabayad kami ng mahal, tapos serbisyo nila ganyan. Walang tubig, walang abiso," himutok ni Sigfredo Cazanares, residente ng Heritage Homes.

Tatlong taon nilang tinitiis ang mabaho at maruming tubig na lumalabas sa gripo ng kanilang mga kabahayan dahil sa baradong filtering system ng water-treatment plant.

Unang ibinalita ng TV Patrol Weekend noong ika-15 ng Enero ang matagal nang daing ng mga residente at inaksiyunan naman ito ng Marilao Water District (MARWADIS). Naibsan na ang problema, ngunit naulit ito nitong Abril.

Aminado ang MARWADIS na nagkukulang ang supply ng tubig sa Heritage Homes dahil dumami ang demand noong tag-init.

Dagdag pa nila, marumi at mabaho ang tubig na lumalabas sa mga gripo dahil ang pinanggagalingan nitong deep well ay may iron manganese na hindi kayang tanggalin ng ordinaryong pagfa-flush.

Pangako ng general manager ng MARWADIS na si Ricardo Abaño, magiging normal na ang operasyon ng water district at gaganda na ang supply ng tubig sa Heritage Homes sa susunod na linggo.

Target naman ng MARWADIS na maglagay ng mga bagong tangke at pipe network sa susunod na taon kasabay ng pangongontrata nito sa malaking supplier ng bulk water.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT