7 anyos na bata patay matapos madikitan ng jellyfish sa CamSur | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

7 anyos na bata patay matapos madikitan ng jellyfish sa CamSur

7 anyos na bata patay matapos madikitan ng jellyfish sa CamSur

ABS-CBN News

Clipboard

Patay ang isang 7-anyos na batang babae nang madikitan ng box jellyfish habang naliligo sa beach resort na ito sa bayan ng Del Gallego, Camarines Sur.

Patay ang isang 7-anyos na batang babae nang madikitan ng dikyang "cuatro cantos," o box jellyfish, habang naliligo sa isang beach resort sa bayan ng Del Gallego, Camarines Sur noong Linggo.

Mugto na dahil sa pag-iyak ang mga mata ng OFW sa Hong Kong na si Leah Benvinoto, dahil sa pagpanaw ng nag-iisang anak na si Rian Lhey, na mahilig umanong maligo sa dagat.

‘Mahal na mahal kita,hindi ko talaga matanggap, sana may himala, sana gumising po,” ani Benvinoto, na hindi makakauwi para sa libing ng anak dahil sa pandemya.

Nakatakda raw sanang tumawag ang biktima sa kaniyang ina noong araw na iyon habang nasa naturang resort sa Barangay Sinuknipan.

ADVERTISEMENT

“Yung pagpunta po niyang yun ng dagat, kaya po siya pumunta kasi nga malakas ang signal dun, ano po kakausapin niya sana ako, ang dali po nung pangyayari, hindi na po sila nakatawag,” ani Benvinoto.

Sa dami ng lason na umatake sa nervous system ng bata, hindi na tumalab ang paunang lunas na suka na inilagay sa mga hita ng biktima na nadikitan ng dikya.

Humingi na ng paumanhin sa pamilya ng bata ang may-ari ng resort na ipinasarado muna.

Pero nais pa rin nila itong papanagutin lalo’t sinabi ng pulisya na nag-iimbestiga sa insidente na may kapabayaang nangyari, kaya nakalapit sa baybayin ang nakamamatay na box jellyfish.

“Pumunta kasi kami doon sa lugar. Ang naabutan talaga naming 'yun net nila ay may ano, sira pa, kasi nasira noong nakaraang bagyo,” ani Police Cpl. Romeo de la Vega ng Del Gallego Police.

ADVERTISEMENT

Ayon sa Bureau of Fisheris and Aquatic Resources sa Bicol, tuwing mga buwan ng tag-init hanggang Agosto at Setyembre ang dagsa ng mga dikya sa mababaw na bahagi ng dagat para magparami.

"Ito po kayang Del Gallego, cove portion na po siya ng Ragay Gulf … medyo banayad na po ang tubig kaya usually po ang mga box jellyfish dito po may mga occurrence,” paliwanag ni Jerome Evangelista, fisheries technician ng BFAR sa bayan.

Pinaalalahanan din ng ahensiya ang mga resort owners na tiyaking maayos ang mga lambat na inilagay sa palibot ng swimming areas nila at maghanda palagi ng first aid sa jellyfish sting.

“Hopefully po palagiang may first aid kit or may someone from the resort mismo na marunong magbigay ng first aid sa mga nasasalabay (nadidikitan ng dikya) po,” ani Nonie Enolva, tagapagsalita ng BFAR-Bicol.

Sa nakalipas na 2 taon, nasa 10 kaso ng jellyfish sting ang naitala ng BFAR-Bicol sa Camarines Sur, ika-2 ngayong taon ang nangyari sa batang si Ria Lhey.

—Ulat ni Jonathan Magistrado

FROM THE ARCHIVES: How to treat venomous jellyfish sting

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.