Tigbebente, singkuwentang ambagan nakatulong sa piyansa ng PISTON 6 | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Tigbebente, singkuwentang ambagan nakatulong sa piyansa ng PISTON 6

Tigbebente, singkuwentang ambagan nakatulong sa piyansa ng PISTON 6

Jeck Batallones,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 09, 2020 07:54 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA (UPDATE) — Bumuhos ang suporta sa tinaguriang "PISTON 6," ang anim na jeepney driver na ikinulong at kinasuhan matapos magprotesta para makapasada na sila sa gitna ng pandemya.

Lunes nang makalaya ang 4 sa anim na naaresto.

Ayon kay PISTON secretary general Steve Ranjo, bumuhos ang tulong mula sa ordinaryong tao hanggang sa ilang kilalang personalidad para mapiyansahan ang 6 nilang miyembro.

"Di ko pa nakita ang buong kuwenta, [pero] may nagpapasok na bente pesos, singkuwenta pesos... Iyung mga barya-barya na 'yun pag inipon mo 'yun eh di siyempre malaki na rin," ani Ranjo.

ADVERTISEMENT

Kabilang rin umano sa mga tumulong sina Angel Locsin at Bea Alonzo.

Isa pang tumulong sa mga jeepney driver ay ang 2019 Bar top notcher na si Mae Diane Azores.

Bilang isang anak ng jeepney driver, masakit sa loob niya ang sinapit ng mga tsuper.

"Ang sakit sa puso hindi ko kayang maupo lang at panoorin na ganun ang sitwasyon nila kaya naisip ko kahit papano may maitulong ako kahit hindi bilang abogado kahit magbigay ng pera o anuman," aniya.

Ayon pa sa PISTON, ang sumobrang pinansyal na ayuda ay ibibigay sa pamilya ng anim na driver.

ADVERTISEMENT

Nito namang Martes, nakalaya na rin ang 72 anyos na si Elmer Cordero at si Wilson Ramilla.

Maaalalang hindi nakalaya si Cordero noong Lunes dahil sa nakabinbin nitong kasong estafa na nag-ugat sa hindi nabayarang renta. May kapangalan naman umano si Ramilla.

Sa ngayon, laya na ang buong PISTON 6.

—May ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.