Estudyante inaresto dahil sa peke umanong travel pass | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Estudyante inaresto dahil sa peke umanong travel pass

Estudyante inaresto dahil sa peke umanong travel pass

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA — Inaresto ang isang 22-anyos na babaeng estudyante dahil sa paggamit ng peke umanong travel pass sa pantalan ng Batangas City nitong Linggo.

Galing sa Laguna ang suspek at pauwi sana sa Soccoro, Oriental Mindoro, ayon sa pulisya.

Naghinala anila ang mga awtoridad na peke ang pass ng babae dahil nasa cellphone lang ang kopya nito at hindi nakapirma rito si Calabarzon police chief Brig. Gen. Vicente Danao Jr.

Napag-alam nila kalaunan na pending pa ang request ng estudyante na magkaroon ng travel pass. Nagmamadali umano siya kaya gumamit ng pekeng dokumento.

ADVERTISEMENT

Nakapagpiyansa na siya sa kasong paglabag sa Mandatory Reporting of Notifiable Diseases, na sakop ang mga paglabag sa lockdown na layong pigilin ang pagkalat ng new coronavirus.

Ulat ni April Rose Magpantay, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.