Babaeng 5 araw naghintay ng bus pauwi sa probinsiya, namatay sa Pasay City | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Babaeng 5 araw naghintay ng bus pauwi sa probinsiya, namatay sa Pasay City

Mylce Mella,
ABS-CBN News
Published Jun 09, 2020 08:25 PM PHT
|
Updated Jun 10, 2020 12:02 AM PHT

CALABANGA, Camarines Sur - Hindi na nakauwi pa sa kaniyang pamilya sa Camarines Sur ang isang 33 anyos na babae matapos madiskubreng walang malay sa footbridge sa Pasay City at tuluyang bawian ng buhay sa ospital.

Nakilala siya bilang si Michelle Silvertino, mula sa Barangay Burabod sa bayan ng Calabanga.

Batay sa ulat ng Pasay City Police, madaling araw ng Hunyo 5 nang makita si Silvertino ng isang concerned citizen na hirap huminga at may lagnat. Dagdag pa ng police report na unang sumangguni sa Barangay 159 ang concerned citizen pero tumanggi silang rumesponde.

Wala nang malay si Silvertino nang makarating ang mga pulis na siyang nagdala sa kaniya sa ospital kung saan siya tuluyang namatay.

ADVERTISEMENT
Isinailalim din si Silvertino sa swab test. Sa kaniyang death certificate, nakalagay doon na probable COVID-19 ang dahilan ng kaniyang pagkasawi.

Ayon naman sa kaibigan ni Silvertino na si Nathanael Alviso, matagal na itong may sakit sa baga.

"By 5 a.m. ng Friday, unconscious na siya. Dinala siya sa Pasay City General Hospital and she was pronounced dead on arrival. The suspicion is baka daw COVID pero in my knowledge, alam kong may sakit siya sa baga kaya nga na-pending ‘yung process niya pagpa-abroad,” aniya.

Agad din inilibing sa sementeryo sa Pasay City ang mga labi ni Silvertino.

Sa kaniyang pagkamatay, naulila ni Silvertino ang apat na maliliit pang mga anak.

Kuwento ni Alviso, Setyembre 2019 nang tulungan nilang magproseso ng mga papeles si Silvertino para makapagtrabaho sa Saudi Arabia bilang domestic helper para maitaguyod ang kaniyang mga anak.
Habang nakabiyahe na ang kaniyang mga kasabayan, naiwan si Silvertino dahil hindi nakapasa sa medical examination.

“Unfortunately, may tubig siya sa baga so declared siya na not fit to work. So since need niya mag-provide para sa kaniyang mga anak, nagtrabaho siya bilang kasambahay sa Antipolo, Rizal,” paliwanag ni Alviso.

Bago magtapos ang buwan ng Mayo, nagpaalam si Silvertino sa kaniyang amo na uuwi ng Bicol para alagaan ang mga anak at agad naman siyang pinayagan.

Mayo 31, o isang araw bago ibinaba sa general community quarantine ang Metro Manila ay ihinatid na siya ng amo sa Cubao terminal sa pag-aakala na may biyaheng pauwi ng Bicol. Pero dahil wala pa ring regular na biyahe sa ilalim ng general community quarantine, naglakad siya papuntang Pasay bitbit ang kaniyang mga bagahe.

“Pagdating sa Pasay, wala ring bus na biyaheng pa-Bicol, so naghintay siya doon nang five days. Almost five days,” kuwento ni Alviso.

Wala ring text na natanggap mula kay Silvertino ang kaniyang kamag-anak o mga kaibigan mula Mayo 31 hanggang Hunyo 5 o habang nanatili ito sa footbridge sa Pasay.

Ito'y hanggang sa nakita sa social media ang larawan niya mula sa isang taga-media na nag-interview sa kaniya. Malayo ito sa malakas na pangangatawan ni Silvertino dahil payat na siya at halatang pagod.

Sinubukan na maisama siya sa Balik Probinsya program ng ilang ahensya ng gobyerno. Kailangan niyang isailalim sa rapid testing bago makauwi at Hunyo 6 siya naka-schedule para sana dito.

Wala namang ibang nais ang 11-taong gulang na panganay ni Silvertino kundi ang maiuwi sana ang mga labi ng kaniyang ina.

Read More:
COVID probable case
Camarines Sur
Tagalog news
COVID-19 infection
namatay sa pag-aabang ng bus
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT