5 bayan sa Maguindanao lubog sa baha

ABS-CBN News

Posted at Jun 09 2020 02:26 PM

Nalubog sa baha ang ilang bayan sa Maguindanao dahil sa mga pag-ulan naranasang nitong mga nagdaang araw. Retrato mula sa Mamasapano Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.

Nalubog sa baha ang 5 bayan sa Maguindanao dahil sa pag-apaw ng mga ilog bunsod ng mga pag-ulan nitong mga nagdaang araw, sabi ngayong Martes ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC).

Dahil sa pag-apaw ng ilog, nananatiling lubog sa baha ang mga bayan ng Datu Salibo, Mamasapano, Mother Kabuntalan, Pagalungan, at Sultan Sa Barongis.

Sa ngayon, patuloy na inaalam ng PDRRMC kung ilan ang kabuuang bilang ng mga pamilyang apektado ng pagbaha.

Ayon sa PAGASA-Cotabato, ang mga naranasang pag-ulan ay dulot ng intertropical convergence zone.

-- Ulat ni Arianne Apatan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.