Hindi alintana ni Rosita Majait ang kanyang edad at pagiging senior citizen sa pagbabalik niya sa pag-aaral ng high school ngayong pasukan.
Ayon sa 66-anyos na lola, nag-enroll siya sa mga pang-gabing klase sa Negros Occidental High School ngayong taon upang matupad ang kanyang pangarap na makatapos ng high school.
Panahon na para ako naman ang makapag-aral dahil napagtapos ko na ang aking 4 na anak, ani Lola Rosita.
Ayon kay Lola Rosita, pagkagradweyt ng elementarya sa Leyte, lumuwas siya sa Maynila upang makapagtrabaho at makatulong sa pamilya.
Sa siyudad na rin siya nakapag-asawa at nagkapamilya.
Noong 1985, napilitan si Lola Rosita na magtrabaho bilang kasambahay sa ibang bansa matapos mamatay ng kanyang asawa.
Ayon kay Lola Rosita, sulit ang kanyang paghihirap nang makitang nakatapos sa kolehiyo ang kanyang mga anak.
Sabi niya, bagamat matanda na, nais niya rin makakuha ng isang college diploma.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.