Kita sa mga larawang kuha nina Joel Rey Lim, Jericho Salas and Darsy Millena ang nagliliwanag na rockfalls ng Mayon Volcano.

Kita sa mga larawang kuha ni Joel Rey Lim mula Brgy. Ilawod, Camalig, Albay ang nagliliwanag na rockfalls o pagguho ng maliliit na bato mula sa lava dome ng Bulkang Mayon ngayong alas-siyete ng gabi, Huwebes, Hunyo 8.
Sa mga larawan naman ni Jericho Salas at Darsy Millena mula sa Banadero, Daraga, Albay, kitang-kita ang pagdaloy ng mga nagbabagang bato.
Matatandaang itinaas na kaninang umaga ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Alert Level 3 ang bulkan dahil sa sunod-sunod na rockfalls at pyroclastic density currents nito.
“Pag meron na nitong volcanic hazard na ito, ibig sabihin nito ay meron na tayong mainit na magma o lava na pumapalit doon sa mga lumang bato sa ibabaw ng Mayon. May bahagyang pagbilis ng extrusion rate o pag labas ng naninigas na lava mula sa bunganga ng bulkan," saad ni Maria Antonia Bornas, chief science research specialist ng naturang ahensya.—Ulat ni Aireen Perol
RELATED VIDEO
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.