Mga kawani sa BIR Davao City nagka-COVID; ilang transaksyon suspendido | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga kawani sa BIR Davao City nagka-COVID; ilang transaksyon suspendido

Mga kawani sa BIR Davao City nagka-COVID; ilang transaksyon suspendido

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 08, 2021 11:29 AM PHT

Clipboard

May ilang mga kawani ng Bureau of Internal Revenue sa Davao City ang nagpositibo sa COVID-19 kaya sinuspinde mula ang ilang transaksiyon sa nasabing tanggapan.

DAVAO CITY - Pansamantalang suspendido simula ngayong Martes ang ilang transaksyon na isinasagawa sa tanggapan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) Region 19 matapos mahawaan ng COVID-19 ang ilang empleyado ng ahensya.

Walang bilang na naibigay ang City Health Office sa kawani ng tanggapan na nagpositibo sa COVID-19 pero sila ay mula umano sa Client Support Section ng BIR.

Sa ipinalabas na pahayag ng BIR XI, kailangang suspendehin ang operasyon sa pagtanggap at pagproseso ng Certificate of Registration (COR) para sa New Business Registrants (NBR) at ang pag isyu ng Authority to Print (ATP).

Ang mga dokumentong kakailanganin sa nasabing application ay pwedeng ihulog sa inilagay na drop-box area na nasa labas ng kanilang gusali.

ADVERTISEMENT

Hindi pa masabi ng ahensya kung kailan ito babalik sa normal na operasyon.

Una nang nasabi ni Assistant City Health Officer Dr. Marjorie Culas sa virtual presser naman ng Department of Health XI nitong Lunes ng umaga, na maraming opisina ng gobyerno ang kailangan magsuspende ng ilang transaksyon, dahil nagpositibo sa COVID-19 ang ilang mga empleyado.

- Ulat ni Chrislen Bulosan

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.