Duterte balak nang magretiro sa gobyerno pagkatapos ng termino sa pagkapangulo | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Duterte balak nang magretiro sa gobyerno pagkatapos ng termino sa pagkapangulo

Duterte balak nang magretiro sa gobyerno pagkatapos ng termino sa pagkapangulo

Joyce Balancio,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 09, 2021 07:41 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala na siya balak pa na tumakbo sa ano mang posisyon sa 2022 national elections.

Ito ay sa kabila ng mga panawagan para sa Duterte-Duterte tandem kung saan pinatatakbo siya ng ilang mga kaalyado bilang bise presidente ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte.

“Uwi ng Davao, retire,” sabi ng Pangulo sa naging one on one interview sa kanya ni Pastor Apollo Quiboloy na umere Martes ng gabi sa SMNI channel.

“Mag-boarder na lang ako dun sa prayer mountain mo. Maganda man doon,” dagdag niya.

ADVERTISEMENT

Binanggit din na kinukunsidera din niyang sa panahon ng retirement ay titira siya sa bahay na bigay sa kanya ni Pastor Quiboloy.

“Alam mo saan ko gusto magtira? Iyong bahay na binigay mo, itong sina Trillanes akala siguro… iyong bahay na binigay mo sabi ko pagretire mo, may matirhan ka…Doon ako siguro titira,” sabi ni Duterte.

Binanggit din ng Pangulo na hanggang ngayon ay pinipigilan niya ang anak na si Sara na tumakbo sa pagkapangulo sa 2022 elections.

Umuwi aniya siya sa Davao at kinausap ng masinsinan ang anak.

“Si Inday, kinausap ko talaga kagabi, do not run. Do not ever, ever commit the mistake of running for presidency. I don’t mean to insult the Filipino people. Presidente? Wala ka talagang makuha. Wala para sa iyo, except for one thing, yung sense of fulfilment mo sa kapwa tao mo, na may nagawa ka, aside from that, it’s an empty…puro ka na lang tabaho dyan. Now unless magtakbo ka ng Presidente, tapos mangurakot ka, you’ll become a billionaire or millionaire whichever you want. Pero is that the life you want? Kung sobra-sobrang pera, aanhin mo naman iyon?” ani Duterte.

Dagdag pa aniya, hindi sapat ang suweldo ng Pangulo sa dadanasan niya umanong sakripisyo at maging kritisismo.

"Buti sana kung bigyan ka naman ng one million ang salary. Tapos bigyan ka P200,000 sige ka trabaho, tapos atakihin ka, criticize ka, babayuhin ka in the likes of Trillanes nandyan ang mga iyan, tapos itong mga chuchuwariwap ng mga Presidential aspirants, you do not deserve it, sabi ko. You don’t deserve it, anak kita, maawa ako sayo, at alam ko namang hindi ka magpunta ng kalokohan, eh sabihin ko sayo ngayon 'wag kang tumakbo," ani Duterte.

Tinanong din si Duterte kung may nakikita na ba siyang karapat-dapat na maging susunod na pangulo.

“Wala, Pastor. Looking at a political horizon...Wala akong makita na deserving," ani Duterte

Pero kalauanan sinabi niyang mayroon din siyang naiisip na mga pangalan, pero pinipinili niya umanong maging “neutral” na lamang.

"Pero mayroon diyang mga aspirants. I may publicly name them when the time comes. Hindi naman yung kandidato na…ewan ko lang. I do not mean to insult anybody but it takes more than just what you will show today, na kaya mo ngayon, much more than that. The Presidency is more than that," paliwanag ni Duterte.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.