Amang ginawang 'sex slave' ang 19-anyos na babaeng anak, timbog sa Catanduanes

ABS-CBN News

Posted at Jun 08 2021 08:49 PM

Isang construction worker na inireklamo ng 18 counts of rape ng sariling anak ang inaresto ng pulisya sa bayan ng San Andres, Catanduanes nitong Lunes.

Naaresto ang 40-anyos na suspek mismo sa bahay nila sa Brgy. Belmonte.

Ayon sa pulisya, ginawa umanong sex slave ng biyudong suspek ang dalagitang anak mula Agosto hanggang Nobyembre 2020, sa kasagsagan ng mahigpit na community quarantine.

Nakapiit sa Caramoran municipal police station ang suspek, na number 1 most wanted person din sa bayan. 

—Ulat ni Jonathan Magistrado

KAUGNAY NA BALITA

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.