Coast Guard, pinagsabihan na sundin ang mga hakbang kontra COVID-19 | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Coast Guard, pinagsabihan na sundin ang mga hakbang kontra COVID-19

Johnson Manabat,
ABS-CBN News
Published Jun 08, 2020 03:18 PM PHT

MAYNILA - Naglabas ng direktiba ang Philippine Coast Guard sa mga tauhan nito na sundin ang protocol ng gobyerno laban COVID-19.

Ito'y matapos magviral ang isang larawan ng 2 tauhan ng Coast Guard na magka-angkas sa motorsiklo sa Roxas Boulevard sa Maynila noong Hunyo 2.

Nakasailalim ang lungsod sa general community quarantine kung saan bawal pa rin ang pag-angkas.

Hinikayat ni Coast Guard Commandant Vice Admiral George Ursabia Jr. ang kaniyang mga tauhan na maging mabuting halimbawa sa publiko.

“As law enforcement officers, we should set the highest standard on compliance and cooperation to the whole-of-government efforts to curb the impact of COVID-19. With full compliance and cooperation, the country will successfully uphold public health and safety despite the pressing challenges of the present time,” aniya.

PH Coast Guard, kinumpirmang tauhan nila ang dalawang ito na magka-angkas sa motorsiklo na kuha noong June 2, 2020 sa Roxas Blvd at nagviral sa social media.
Ayon sa PCG, may imbestigasyon na sila dito at hinikayat ang kanilang mga tauhan na sumunod sa lahat ng traffic rules. pic.twitter.com/NAft6gHrdk
— Johnson L. Manabat (@JohnsonManabat) June 8, 2020

Nakilala ang naturang mga Coast Guard personnel na sina Seaman 2nd Class Arjae Dagsil at Seawoman 2nd Class Mary Joy Collada.

Sa imbestigasyon, sinundo ni Dagsil ang kasintahan na si Collada sa Port Area, Maynila kung saan nagsisilbi ito bilang medical screener sa mga crew ng mga barko at mangingisda.

Matapos ang 24-oras na duty, naghanap si Collada ng masasakyan pauwi subalit wala itong matiyempuhan kaya nagpasundo ito sa nobyong si Dagsil para magpahatid sa barracks ng Coast Guard sa Taguig.

Nitong Linggo, sinamahan na ng kanilang abogado ang 2 sa tanggapan ng Coast Guard Internal Affairs Service para makipagtulungan sa imbestigayon nito.