4 Manila barangay officials huli sa pagdetine sa hinihinalang may COVID-19 | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
4 Manila barangay officials huli sa pagdetine sa hinihinalang may COVID-19

ABS-CBN News
Published Jun 08, 2020 01:14 PM PHT
|
Updated Jun 08, 2020 07:11 PM PHT

Arestado ang apat na opisyal ng Barangay 538 sa Sampaloc district, Maynila matapos umanong ikulong ang isang taong hinihinalang may coronavirus disease (COVID-19) sa bahay nito.

Kasama sa mga naaresto ang mga barangay kagawad na sina Bobby Biason at Marvin Simbahan, tanod na si Epifanio Rempis, at ex-o na si Ferdinand Gatdula, ayon kay Maj. Rosalino Ibay Jr., hepe ng Manila Police District Special Mayor’s Reaction Team.

Ipinako ng mga suspek ang pintuan ng bahay ng isang suspected COVID-19 case sa barangay at hinarangan ang lahat ng posibleng labasan nito para matiyak na makukulong lang ito sa bahay, base sa reklamo ng isang concerned citizen sa mga awtoridad.

Ipinagbabawal sa lungsod ng Maynila ang diskriminasyon sa mga taong positibo o hinihinalang may COVID-19, at mga frontliner.

May mga protocol na dapat sundin kung may hinihinalang COVID-19 patient o gagawing contact tracing, ayon kay Ibay.

Nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa City Ordinance No. 8624 na nagbabawal sa diskriminasyon, at arbitrary detention sa ilalim ng Bayanihan Heal As One Act.

-- Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
Maynila
krimen
Barangay 538
Sampaloc
COVID-19 discrimination
COVID-19
coronavirus disease
arbitrary detention
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT