3 estudyante nalunod sa ilog sa Benguet | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
3 estudyante nalunod sa ilog sa Benguet
3 estudyante nalunod sa ilog sa Benguet
Michelle Soriano,
ABS-CBN News
Published Jun 08, 2019 09:33 PM PHT

Nalunod ang 3 mag-aaral ng high school sa Agno River sa bayan ng Itogon, Benguet Biyernes ng umaga.

Kinilala sila bilang sina Kyla Fernandez, Angel Hernaez at Dickzie Catos.

Kwento ng residenteng kasama sa mga sumaklolo sa mga bata, nakita nila ang isang batang lalaki na kumakaway habang nalulunod sa ilog.

Sumigaw ang bata para humingi ng tulong. Pagdating ng mga residente ay hindi na matanaw ang mga biktima.

ADVERTISEMENT
Kinailangang sumisid sa bahagi ng ilog na nasa 10 talampakan ang lalim para maiahon ang katawan ng mga bata na wala nang buhay.

Papasok na dapat sa Lunes sa Grade 9 sina Fernandez at Hernaez habang Grade 7 na si Catos. Iisang bahay lang ang kanilang inuupahan.

Honor students at aktibo sa music team ng simbahan ang mga biktima.