TINGNAN: 'Mini plantation' ng marijuana nadiskubre sa bahay sa Marikina | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
TINGNAN: 'Mini plantation' ng marijuana nadiskubre sa bahay sa Marikina

Jekki Pascual,
ABS-CBN News
Published Jun 08, 2018 10:06 AM PHT
|
Updated Jun 08, 2018 11:18 PM PHT

MAYNILA - (UPDATE) Bumulaga sa mga operatiba ng Marikina City Police ang nasa 800 gramo ng marijuana at mga pasong may tanim na ipinagbabawal na halaman sa loob ng isang bahay sa Champagne Street sa Barangay Concepcion Dos sa Marikina.

Ayon kay Senior Superintendent Roger Quesada, hepe ng Marikina City Police, may mahigit 30 paso ng marijuana sa loob ng kwarto na fully airconditioned, may UV light, insulated walls at may koneksyon pa sa tubig.

'Mini plantation' ng marijuana, nadiskubre sa kwarto sa isang bahay sa Marikina. pic.twitter.com/472n8KexJ1
— Jekki Pascual (@jekkipascual) June 7, 2018

Unang nagsagawa ang mga awtoridad ng buy-bust operation sa lugar Huwebes ng gabi at nahuli ang mag live-in na suspek.
Sa naturang operasyon nadiskubre ng awtoridad ang isang kuwarto na puno ng mga pasong may tanim na hinihinalang marijuana.

Halos P4M halaga ng marijuana, nakuha sa 3 tao sa Marikina. pic.twitter.com/FTkTqGVSne
— Jekki Pascual (@jekkipascual) June 7, 2018
Halos P4M halaga ng marijuana, nakuha sa 3 tao sa Marikina. pic.twitter.com/FTkTqGVSne
— Jekki Pascual (@jekkipascual) June 7, 2018
Aminado ang isa sa mga suspek na nagbebenta talaga siya at nagtatanim ng marijuana. Pinagaralan niya aniya ang pagtatanim sa internet.

Pero naniniwala siya na hindi masama ang marijuana at ito'y nakatutulong sa may sakit umano.

Itinanggi naman ng kaniyang ka live-in partner na may kinalaman siya sa pagbebenta ng marijuana pero alam niyang may taniman sa loob ng bahay.

May 10-buwang sanggol din na naabutan ng mga operatiba sa bahay pero ibinigay na siya sa pangangalaga ng kamag-anak.

Babala ni Quesada na magpapatuloy ang surveillance at operasyon nila lalo na sa may mga posibleng farm o taniman ng droga sa loob ng mga bahay.

Inaalam na rin ng pulisya ang supplier at pinagbabagsakan ng mga suspek ng kanilang mga tanim na marijuana.

Ayon kay Chief Supt. Guillermo Eleazar, hepe ng National Capital Region Police Office, inatasan na niya ang Eastern Police District at Marikina City Police na magsagawa ng follow-up operation para alamin saan kinukuha ang mga binhi ng marijuana.

Aminado si Eleazar na napaka-moderno ng ginamit na paraan sa pagpaparami ng marijuana.

-may ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT