Cebu bar iniimbestigahan kung lumabag sa health protocols | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Cebu bar iniimbestigahan kung lumabag sa health protocols

ABS-CBN News
Published Jun 07, 2021 07:15 PM PHT

Pinagpapaliwanag ng lokal na pamahalaan ng Cebu City ang isang bar na tampok sa isang viral video dahil sa paglabag ng mga kostumer sa health protocols.

Naglabas na ng show-cause order ang city government laban sa establisimyento.

Mapapanood kasi sa video ang pagkukumpulan ng mga kostumer ng bar, na wala ring suot na mga face mask o face shield.

Sa panayam ng Teleradyo, sinabi ni Cebu City Mayor Edgar Labella na iniimbestigahan din ang paunang rason na ibinigay ng may-ari ng bar.

"There was a downpour, nagsiksikan na sila papunta sa loob para hindi mabasa. Kaya 'yon, nakikita na nagkasiksikan, na-violate ang mass gathering," ani Labella.

Pag-aaralan din kung kakanselahin ang business permit ng bar, kung sususpendehin ang special permit sa pagbebenta ng alak, at kung may mananagot sa mga paglabag.

Iginiit ni Labella na sumusunod naman ang mga taga-Cebu sa minimum health standards kaya bumaba ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa kanilang lungsod.

Sa datos ng Department of Health-Central Visayas, 15 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa Cebu City noong Linggo, mas mababa sa 39 na naiulat noong Sabado.

"We have a downtrend here," ani Labella.
"We have a downtrend here," ani Labella.
ADVERTISEMENT
Sinabi rin ni Labella na pag-iigihin ng lokal na pamahalaan ang pagbabantay sa mga establisimyento na maiwasan ang mga kaparehong pangyayari.

"We should continue to monitor our enforcement of the minimum health protocols. In this particular case, I think, this is more of an isolated case because there are many others who are compliant," sabi ng alkalde.

Nasa ilalim ng modified general community quarantine ang Cebu City at kahit pinapayagang magbukas ang mga bar, kailangang 50 porsiyento lang ang capacity nito kahit open space.

Nanawgaan din si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa publiko na iwasan muna ang pag-party, na maaaring maging sanhi ng malawakang pagkalat ng COVID-19.

-- Ulat ni Mike Navallo, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
rehiyon
regions
regional news
Cebu
Cebu City
Cebu bar
health protocols
health protocol violation
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT