'Galing supplier': Tentay hugas-kamay sa isyu ng sangkap sa suka | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Galing supplier': Tentay hugas-kamay sa isyu ng sangkap sa suka

'Galing supplier': Tentay hugas-kamay sa isyu ng sangkap sa suka

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nagsalita na ang Tentay Food Sauces Incorporated matapos mapasama ang ilan nilang produktong suka sa listahan ng Food and Drug Administration ng mga kumpirmadong may synthetic acetic acid.

Paliwanag nila, galing sa kanilang supplier ang vinegar concentrate na ginagamit ng kanilang kompanya sa paggawa ng suka.

Dagdag nila, bago pa lang ang kumpanya nila sa paggawa ng suka kaya kinakailangan pa nilang bumili sa labas ng accelerated o mother vinegar na ihahalo sa tubig na magiging sukang ibebenta sa merkado.

Nagtataka rin umano sila kung bakit pumasa ang kanilang sangkap sa standards ng ibang bansa pero bumagsak naman ito sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT

“We buy our concentrates and then we add water and other spices. Siguraduhin natin na 'yung pinagbilhan ng concentrate ay wala silang ilagay," ani Velia Cruz, may-ari ng Tentay Food Sauces Inc.

"We are close to international standards. Don't you think na it's high time we review Philippine standards?" dagdag niya.

Base sa administrative order (AO) ng FDA na nilagdaan noong 1970, ang pagkakaroon ng synthetic acetic acid at cloudifying agent o 'yung nagpapaputi sa likido ay pinagbabawal kaya hindi puwedeng ibenta.

Mula noon wala pang bagong AO na gumagabay sa paggawa ng sukang ibinebenta sa publiko.

Aminado rin ang FDA na kailangan nang review-hin ang kasalukuyang standards.

Kakausapin din ng FDA ang iba pang manufacturer tungkol sa paglalagay ng cloudifying agent sa mga suka, ani Health Undersecretary Eric Domingo, na tumatayong officer-in-charge ng FDA.

“We have to consider the farmers, manufacturers, and the consumer to come up with the best standards, na ang ating standards right now ay dapat walang synthetic acetic acid at cloudifying agent,” aniya.

Umaaaray ang Tentay dahil nadadamay sa isyu ang iba nilang produkto.

Pero paalala ni Domingo ang mga produkto lang na nasa listahan ang kanilang pinapa-recall.

“The assumption is if it's out in the market and it is FDA-registered in the FDA then it's safe,” ani Domingo.

Ayon sa Tentay, iimbestigahan din nila ang kanilang mga supplier para malaman kung may synthetic acetic acid ang kanilang nabibiling accelerated vinegar.

--Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

DMW coordinating with BOC for release of undistributed Balikbayan boxes

DMW coordinating with BOC for release of undistributed Balikbayan boxes

Pia Gutierrez,

ABS-CBN News

Clipboard


MANILA — The Department of Migrant Workers said Monday it would assist families of OFWs who have been affected by the delayed shipment of thousands of Balikbayan boxes to the Philippines. 

“They have been victimized, and we will provide action fund assistance as well,” DMW Secretary Hans Leo Cacdac said in a televised briefing.

The DMW has been working closely with the Bureau of Customs to facilitate the release of the estimated 14,000 Balikbayan boxes, he said.

“Sa ngayon nakikipagtulungan tayo sa Bureau of Customs. We are thankful sa BOC dahil na-facilitate na ang release ng 9,000 boxes. But there are around 5,000 more to go, half of them are in the Davao port. We are thankful sa BOC, may deed of donation na ido-donate sa atin at tayo na ang magdi-distribute, so isasagawa natin yon,” he said.

ADVERTISEMENT

“Dito sa Manila, we are working on the same deed of donation system, pero ang maganda dahil sa hearing noong isang araw, nakita natin na pwede pala yung system na puntahan mo nalang sa warehouse, around 40 boxes were released the other day. This will be just the beginning of the continued distribution, so 9,000 now, 5,000 more to go," he added.


RELATED VIDEO: 



ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.