Mga may comorbidity patuloy ba pinag-iingat laban sa COVID-19 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

News

Mga may comorbidity patuloy ba pinag-iingat laban sa COVID-19

Mga may comorbidity patuloy ba pinag-iingat laban sa COVID-19

ABS-CBN News

Clipboard

Patients avail of services at the National Kidney Transplant Institute on June 5, 2023. The institute celebrates the National Kidney Month 2023:
Patients avail of services at the National Kidney Transplant Institute on June 5, 2023. The institute celebrates the National Kidney Month 2023: "Bato'y Alagaan Para sa Kinabukasan, based on Presidential Proclamation no. 184, s. 1993 signed by former President Fidel V. Ramos on May 31, 1993. Jonathan Cellona, ABS-CBN News

MAYNILA — Patuloy na pinag-iingat ng eksperto ang mga may comorbidity laban sa COVID-19.

Ayon kay Dr. Rose Marie Liquete, executive director ng National Kidney and Transplant Institute, tumaas ang bilang ng kanilang pasyenteng may sakit sa bato na positibo sa COVID-19.

Bagama't mild aniya ang karamihan, moderate ang kaso ng mga may comorbidity at mayroong kailangang i-admit sa ospital.

Kung hindi na sapat ang kanilang COVID-19 isolation room dahil nire-rehabilitate ang isang COVID-19 unit at kulang ang nars, nililipat aniya ang ilang pasyente sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital na marami rin aniyang dialysis machines.

ADVERTISEMENT

"Ang COVID namin ay tumaas but these are mainly patients na vulnerable who have kidney diseases. Mild naman ang karamihan but you know medyo may comorbidities ka, so some of these are actually moderate sila. We have cases sa itaas, sa aming isolation but these rooms are not enough for them so we have them stay in the emergency room... but we have contact with Jose Rodriguez where we can also transfer some of these patients," ani Liquete.

"Hindi ko naman masasabing alarming pero ang vulnerable namin ang natatamaan, 'yung may mga kidney diseases ang natatamaan. So maybe [if] we are all strong naman in our immune system, hindi naman tayo tatamaan. So it’s not that alarming. Ang akin lamang is for our patients na with kidney problem or may comorbidities, mag-ingat lamang dahil baka sa kanila hindi lang mild, that they really need admission to the hospital," dagdag ni Liquete.

Pinangunahan ni Liquete at Quezon City Mayor Joy Belmonte ang paglulunsad ng national kidney month sa NKTI at mga programa ng ospital para sa mga may sakit sa bato.

KAUGNAY NA BALITA

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.