Taxi driver, patay sa shootout matapos umanong mangholdap ng pasahero | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Taxi driver, patay sa shootout matapos umanong mangholdap ng pasahero

ABS-CBN News
Published Jun 05, 2022 07:43 AM PHT

MANILA — Patay sa isang shootout ang isang taxi driver na umano'y nangholdap ng sakay na pasahero.

Ayon sa pasahero, sumakay siya sa taxi na may plate number na ABG 8774 sa may APFOVAI Subdivision sa Taguig para sunduin sana ang kaniyang kasintahan sa Bonifacio Global City (BGC).

Nang sumakay na ang biktima, dinaan daw ito ng taxi driver sa isang madilim na lugar tapos bigla na lang itong nangholdap.

Agad-agad binigay ng biktima ang kaniyang cellphone at wallet.

ADVERTISEMENT
Dagdag pa niya, nakaamoy raw siya ng mabango sa loob ng taxi at biglang nakaramdam ng pagkahilo at sakit ng tiyan.

Nang ibaba siya ng suspek sa may bahagi ng Burgos Circle sa BGC, nakakita ito ng mga pulis at agad na humingi ng tulong.

"Mabuti na lang po at naplakahan niya yung taxi na sinakyan niya. Agad pong sinundan ng ating mobile. Dito po nila nahabol sa C-5 Sampaguita flyover yung taxi na nangholdap. Nakipagputukan po siya sa ating kapulisan. Siya po ang unang nagpaputok ng baril," ani P/Lt. Jogelyn Galvez, hepe ng kapulisan sa BGC.

Namatay ang suspek sa engkwentro.
Namatay ang suspek sa engkwentro.
Sa isang Facebook post noong May 10, isang netizen ang nagsabing nanakawan siya ng cellphone at wallet nang holdapin din siya ng driver ng sinasakyang taxi na may parehong plaka.

Ayon sa mga pulis, hindi ito ang unang insidente ng taxi driver na nanghoholdap ng mga pasahero.

Sabi ni Galvez, may mga natanggap na rin silang mga ulat tungkol sa panghoholdap ng taxi driver sa Burgos Circle.

Kadalasan daw ay mga lasing na foreigner ang target nga mga suspek dahil "sentro ng gimikan" umano ang naturang lugar.

Narekober mula sa crime scene ang isang baril at ilang gamit kagaya ng pitaka, make-up, at bag.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ang pagkatao ng napatay na suspek.

— Ulat ni Larize Lee, ABS-CBN News
FROM THE ARCHIVES:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT