Malakas na ulan maagang bumuhos sa CDO; ilang kalye binaha | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Malakas na ulan maagang bumuhos sa CDO; ilang kalye binaha

Malakas na ulan maagang bumuhos sa CDO; ilang kalye binaha

Cris Angelo Andrade,

ABS-CBN News

Clipboard

Kuha ni Cris Angelo Andrade, ABS-CBN News

CAGAYAN DE ORO - Ulan at baha ang sumalubong sa mga estudyanteng balik-eskuwelahan ngayong Martes sa siyudad na ito.

Alas-5:00 pa lang ng madaling araw, nagsimula nang bumuhos ang malakas na ulan kaya naman bumaha agad sa ilang lugar.

Kabilang sa mga hindi madaanan ng sasakyan dahil sa baha ang Kauswagan-Bulua Junction.

Kuha ni Cris Angelo Andrade, ABS-CBN News

Hindi naman nagdeklara ng suspensiyon ng klase ang lokal na pamahalaan at ipinaubaya na ito sa mga paaralan.

ADVERTISEMENT

Sa ngayon, ang Bulua Elementary School pa lamang ang nagsuspinde ng klase.

Isang low pressure area na umaaligid sa Philippine Area of Responsibility ang minomonitor ngayon ng PAGASA.

Ayon sa ulat panahon, pinalalakas ng low pressure area ang hanging habagat na nagdudulot ng madalas na mga pag-ulan.

Magdudulot ito ng minsanang pag-ulan sa Eastern at Central Visayas, Northern Mindanao, at sa Caraga at Davao regions, ayon sa PAGASA.

Huling namataan ang LPA sa layong 795 kilometero silangan ng Surigao City east of Surigao City.

Tatawagin itong "Domeng" pagpasok sa Philippine Area of Responsibility.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.