Special lane para sa mga nagbibisikleta, ilalagay sa Pasig | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Special lane para sa mga nagbibisikleta, ilalagay sa Pasig

Special lane para sa mga nagbibisikleta, ilalagay sa Pasig

Jeffrey Hernaez,

ABS-CBN News

Clipboard

Maglalagay ng high priority bicycle corridor ang Pasig upang maengganyo ang mas maraming residente na gumamit ng bisikleta, ayon kay Mayor Vico Sotto nitong Miyerkoles.

Ayon sa Facebook post ng alkalde, kailangang magsulong ng mga reporma dahil sa limitadong bilang ng pampublikong transportasyon ngayong panahon ng krisis.

Magsisimula ang high priority bicycle corridor sa bahagi ng Amang Rodriguez Avenue, dadaan ng West Bank road, C.Raymundo, A.Mabini, Dr.Sixto Avenue extention hanggang F.Manalo at Caruncho.

Maglalagay naman ng road safety treatments sa mga makikitid na kalsada at mas maraming bike racks.

ADVERTISEMENT

Magbibigay din ang lokal na pamahalaan ng employee transportation loans para sa mga nais bumili ng bike o scooter.

Magsasagawa din ng imformation campaign sa pagbibisikleta at road safety ang lokal na pamahalaan sa pangnunguna ng Pasig Transport Department.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.