Magkapatid, nagtatahi ng sapatos para may pambaon sa eskuwela | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Magkapatid, nagtatahi ng sapatos para may pambaon sa eskuwela

Lynette dela Cruz,
ABS-CBN News
Published Jun 04, 2019 07:26 PM PHT
|
Updated Jun 08, 2019 07:38 PM PHT

PUERTO PRINCESA CITY - Napahanga ang mga netizen sa dalawang magkapatid na estudyante na nakunan ng larawan na nagtatahi ng sapatos sa sidewalk ng Valencia Street pagkagaling sa eskuwela.

Sila ang magkapatid na Manuelita Borbon, 13-anyos, Grade 8, at Micko Borbon, 12, Grade 7 sa Palawan National School.

“Minsan pag may project ‘di na kami nagsasabi kila mama, kami na lang po bumibili,” sabi ni Manuelita.

Panganay at pangalawa sa apat na magkakapatid sila ng mag-asawang Emmanuel at Mary Ann na parehong nagre-repair ng sapatos.

ADVERTISEMENT
Sa maliit na barong-barong sa Wescom Road sa Barangay San Pedro sila nakatira at dito na rin ang kanilang puwesto ng tahian ng sapatos na pinagkukunan ng pang araw-araw na ikabubuhay ng kanilang pamilya.

Aminado ang inang si Mary Ann na hirap sila sa buhay at wala rin silang sariling bahay. Hindi rin laging malakas ang kita sa pagre-repair ng sapatos.

“Mangungutang ka sa iba para mayroon silang pamasahe, pagkain. Syempre sa maghapon kasi pag halimbawa may nagpatahi sa amin, ‘di nila tinubos. Sa maghapon minsan P300 bubudgetin mo yun, kasi ilan sila. Mayroon pa akong estudyante diyan,” sabi niya.
Kapag walang napa-repair, paglalaba ang raket ni Mary Ann kaya’t doble kayod siya para mapag-aral ang mga anak at mabigyan ng buhay na malayo sa kung ano ang nakagisnan nila.

“Gusto nila makapagtapos. Tapos, gusto ko sila magkaroon ng hanapbuhay na hindi lang ba yung, hindi nila maranasan yung ano namin (kahirapan),” sabi niya.
Mula sa kanilang naiipon kumukuha sila ng pambaon at pamasahe ng mga anak. Aminado rin ang ina na minsan pamasahe lang din ang naibibigay nila dahil kapos sa pera.

Pangarap ng magkapatid na maging sundalo balang araw.
Pangarap ng magkapatid na maging sundalo balang araw.
ADVERTISEMENT
Kapag kinakapos sa baon o pamasahe, bago umuwi ay takbuhan nila ang repair shop ng kaibigan ng pamilya na si Ruel Gines sa Valencia Street na malapit lang din sa eskuwelahan.

“Pero actually, proud ako sa mga batang ‘yan kasi nagkaroon sila ng skills about sa pagtatahi. Dahil yung pangangailangan nila sa school nila, pwede nilang gamitin yun para matustusan even siguro sa baon nila,” sabi ni Gines.

Kuwento ni Micko, “Nagkulang ang pamasahe namin. Kaya naisipan namin makitahi doon.”

Sabi naman ni Manuelita na minsan lang sila nakikitahi kay Gines na tinawag na nilang “Uncle”, lalo na kung may kailangan silang bilhing pang-project.

Hindi tinuruan ang magkapatid na magtahi ng sapatos, pero natuto sila sa kapapanood kung paano magtahi ng sapatos ang magulang. Ginamit nila ang natutunan para makatulong sa magulang at sariling pangangailangan.

Hanga naman ang pamunuan ng Palawan National School sa magkapatid na Borbon. Maaari raw na bigyan sila ng pagkilala.

“At baka may maitulong pa tayo doon sa sitwasyon nila. Ma-inspire sila na lalong mag-aral kasi bibihira na ganiyan ang mga estudyante na doon kukuha ng pambaon. Alam nilang mahirap ang buhay pero nandun sila,” sabi ni Dr. Eduardo Santos, principal ng paaralan.

Hindi umano ikinahihiya ng magkapatid ang pagtatahi ng sapatos. Hiling nila na sana ay maging inspirasyon ang kanilang kuwento sa ibang mga magaaral na hindi sapat na sukatan ang kahirapan para hindi makapag-aral at makatulong sa magulang.

Read More:
edukasyon
TV Patrol
PatrolPH
mag-aaral
estudyante
working student
Tagalog news
Regional news
Puerto Princesa
Palawan
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT