Gurong nag-post ukol sa comfort room na ginawang faculty room balak kasuhan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Gurong nag-post ukol sa comfort room na ginawang faculty room balak kasuhan

ABS-CBN News
Published Jun 04, 2019 07:39 PM PHT

Nagbanta ang principal ng isang paaralan sa Bacoor, Cavite na kakasuhan ang isa sa kanilang mga guro matapos nitong ikuwento sa social media na ginamit umano ang mga comfort room (CR) ng eskuwelahan bilang faculty room.

Pinag-usapan kamakailan sa social media ang mga larawang ini-upload sa Facebook ni Maricel Herrera, guro at faculty president sa Bacoor National High School.

Ayon kay Herrera, napilitan umano ang mga guro ng paaralan na gawing faculty room ang CR matapos silang paalisin sa faculty room na gagamiting silid-aralan.

Pero ayon kay Anita Rom, principal ng Bacoor National High School, hindi niya iniutos na sa CR mag-opisina ang mga guro.

Inihahanda raw nila Rom ang mga kasong isasampa laban kay Herrera kabilang ang administratibo, cyberlibel, at destruction of government property.

Dahil daw sa hindi tamang pag-post ni Herrera sa Facebook, masasakit na salita ang natanggap nila Rom mula sa publiko.

"Ang sinira ay hindi lang imahe ng Bacoor National High School kundi buong imahe ng DepEd (Department of Education)," ani Rom.

Ayon kay Rom, nagtaka siya kung bakit pinili ng mga guro sa CR ng gusali mag-opisina gayong inialok niya ang library, conference room, at social hall na kaysa ang 700 guro.

"Ang faculty room is not mandated by the DepEd. Ang function ng teacher ay magturo at hindi magpahinga sa faculty room," ani Rom.

Inutos ni Rom na bakantehin ang lahat ng CR at sa halip ang social hall na ang gamiting faculty room.

Nilinaw naman ni Herrera na hindi niya intensiyong sirain ang imahe ng paaralan.

Aabot umano sa 11 guro ang nagsiksikan sa CR na ginawang faculty room. Sa sarili umanong bulsa ng mga guro kinuha ang ginastos sa pagpapaayos sa CR.

Sa isa pang gusali ng paaralan, nasa isang sulok naman ng hallway ang may 20 Science teachers katabi ng CR. Ang iba ay sa ilalim ng mga hagdan nagsisiksikan.

"Hindi ho kami pinilit pumunta dito pero wala kaming choice na puntahan kasi wala kaming pupuntahan," anang Science teacher na si Corazon Ber Ardo.

--Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
viral
edukasyon
Bacoor National High School
Bacoor
Cavite
comfort room
faculty room
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT