Mindanao mas mabilis na ang pagtaas ng COVID-19 cases kaysa NCR: DOH | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mindanao mas mabilis na ang pagtaas ng COVID-19 cases kaysa NCR: DOH

Mindanao mas mabilis na ang pagtaas ng COVID-19 cases kaysa NCR: DOH

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 03, 2021 07:37 PM PHT

Clipboard

Matapos ang lingguhang pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa simula katapusan ng Abril, tila nabaligtad ang trend at muling umakyat ang average na bilang ng nagkakasakit.

Mula Mayo 27 hanggang noong Miyerkoles, 6,691 ang bilang ng average daily COVID-19 cases sa Pilipinas.

Pero kung may lugar man na pinakabinabantayan ngayon, ito ang Mindanao dahil, ayon sa Department of Health (DOH), nahigitan na nito ang Metro Manila at iba pang lugar sa Luzon pagdating sa bilis ng pagdami ng mga kaso.

"'Yong steepness ng line graph ay medyo, steep siya. And alam naman natin habang pabilis nang pabilis 'yong pagdami ng kaso, there’s a risk of from a very small number of cases magiging napakarami ng kaso nito," ani DOH Epidemiology Bureau Director Alethea De Guzman.

ADVERTISEMENT

Dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso, hiniling ng Davao city government sa Inter-Agency Task Force na itaas ang kanilang quarantine classification sa modified enhanced community quarantine simula Hunyo 5 hanggang katapusan ng buwan para magsilbing "circuit breaker," lalo't puno na ang mga ospital.

Pataas din ang trend ng mga kaso sa Visayas, kung saan Western Visayas ang may pinakamabilis na pagtaas ng mga kaso.

Bagaman hindi kasingbilis kompara sa Western Visayas, naitala sa Eastern Visayas ang pinakamataas na daily tally sa bilang na 276.

Sa Luzon naman, Cagayan Valley region at Central Luzon ang pinakamabilis pagdating sa pagdami ng kaso.

"Nakikita rin kasi natin sa Region 2 (Cagayan Valley) na dagdag na factor bakit may sustained na pagdami ng kaso, lalo na sa Tuguegarao sa Cagayan, is the presence of the variants," ani De Guzman.

"But on top of the presence of the variants of concern, kung hindi talaga tayo mag-follow ng minimum public health standards, mahihirapan talaga tayo na i-contain or i-limit 'yong transmission nito," dagdag niya.

Aminado naman ang DOH na hindi pangmatagalang solusyon ang pagpataw ng mahigpit na quarantine classification dahil hindi naman mapipigilan ang galaw ng mga tao.

Pero mahalaga rin ito para mabigyan umano ng pagkakataon ang mga lokal na pamahalaan na madagdagan ang mga kama para sa mga pasyente at mapabuti ang tugon sa pandemya.

Para kay De Guzman, isa sa pinaka-target ngayon ay mapababa ang bilang ng araw sa pagitan ng pagkakaalam na positibo ang isang tao at sa kaniyang pagkaka-isolate.

Sa ngayon daw kasi, inaabot nang 9 na araw mula malaman na positibo ang tao bago pa ito madala sa isolation facility.

Ngayong Huwebes, umakyat sa 1,247,899 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa matapos makapagtala ng 7,217 dagdag na kaso. Sa bilang na iyon, 55,790 ang active cases.

-- Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.