Pagbibigay ng kontrata sa mga lumahok sa 'Balik Probinsya', pinag-aaralan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pagbibigay ng kontrata sa mga lumahok sa 'Balik Probinsya', pinag-aaralan

Joyce Balancio,
ABS-CBN News
Published Jun 03, 2020 07:16 PM PHT
|
Updated Jun 03, 2020 08:48 PM PHT

MAYNILA - Pinag-aaralan ng gobyerno ang pagbibigay ng kontrata sa mga lumahok sa "Balik Probinsya Bagong Pag-asa Program."

Inihayag ni National Housing Authority General Manager Marcelino Escalada Jr. na pinag-aralan ng gobyerno ang mga paraan para matiyak na mananatili sa probinsya ang mga Pilipino na sumali sa programa.

Layunin kasi ng programa na hindi lang mapauwi ang mga nais magbalik-probinsya, kundi bigyan sila ng livelihood opportunities at iba pang assistance para sa panahong ito ay makatulong rin sila sa rural development.

Target din ng programa na ma-decongest ang National Capital Region at mapalago ang ibang rehiyon sa labas ng NCR.
Target din ng programa na ma-decongest ang National Capital Region at mapalago ang ibang rehiyon sa labas ng NCR.
ADVERTISEMENT
Ani Escalada, na executive director din ng council na binuo para sa programa, iba’t ibang modelo ang pinag-aaralan ng gobyerno para matiyak na magiging matagumpay ang Balik Probinsya, Bagong Pag-asa Program.

Kabilang na dito ay pagkakaroon ng kontrata para matiyak na hindi naman pagsasamantalahan lang ng benepisaryo ang mga tulong sa kanila at kalaunan ay babalik rin pala sa NCR.
"The third model that we said that can be very practical and reasonable is there will be program contracts. The moment you avail of the DTI (Department of Trade and Industry) soft loan, so there will be program contracts. The moment you will apply for TESDA scholarship there will be program contracts. The moment you have livelihood assistance from DOLE that will be program contracts," ani Escalada.

Kasabay nito, pinaplano rin ng council kung paano masu-sustain ang programa para hindi mapabayaan ang mga nagbalik-probinsya.

Sa pinakahuling datos ng gobyerno, nasa higit 79,000 na mga Pilipino na aniya ang nagparehistro sa programa at inaasahan ng council na posibleng pumalo sa 200,000 ang bilang ng mga sasali pa dito.

Patuloy naman aniya ang koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan para matiyak na handa silang tanggapin ang mga sumasali sa programa lalo na’t may ilang nagmamandato pa rin ng COVID-19 testing at quarantine pagdating sa mga probinsya.

Read More:
Balik Probinsya program
Balik Probinsya Bagong Pag-asa Program
National Housing Authority
Marcelino Escalada Jr.
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT