Ilang Victoria Court employees nangangamba matapos mawalan ng trabaho | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
News
Ilang Victoria Court employees nangangamba matapos mawalan ng trabaho

ABS-CBN News
Published Jun 03, 2020 06:44 PM PHT
|
Updated Jun 03, 2020 08:02 PM PHT
MAYNILA — Nangangamba ang mga empleyado ng Victoria Court sa napipintong pagsasara ng ilan sa kanilang branches sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Limitadong-limitado ang operasyon ng Victoria Court hotel at motel at kitang-kita ang hagupit ng krisis sa kanilang industriya.

Ang mga establisimyentong pag-aari ng car racer at businesswoman na si Angie King tulad ng Victoria Court sa Quirino Avenue sa Maynila, nakaamba na ang pagsasara.

Kuwento ng supervisor na si Cathy Alfonso, sa mahigit na 70 empleyado bago ang pandemic, mahigit 10 na lang silang pumapasok sa trabaho.

Ipinaalam na umano sa kanila ni Angie nitong Mayo ang mapait na desisyong tanggalin silang lahat sa trabaho.

Sabi ni Alfonso, kay Angie din ang mga Victoria Court sa may Gil Puyat at Cuneta Astrodome sa Pasay City.

"Kahit na matanggap namin, wala rin kaming matatagpuang ibang trabaho, lahat din nagko-close wala rin kami maaaplayan. Although may matatanggap kami galing sa kanya sa naging serbisyo namin, hanggang kailan tatagal?" ani Alfonso.

Naiintindihan daw nila Alfonso ang desisyon ng kanilang boss dahil kitang-kita naman ang epekto ng COVID-19 sa kanilang operasyon.

Wala pa raw sa kalahati ang kanilang occupancy rate at puro mga medical frontliner at mga overseas Filipino workers na naghihintay ng resulta ng COVID-19 test ang kanilang mga guest.

"Hindi ko masisisi si ma'am Angie, unang-una buhat ng dumating ang epidemya na ito hindi siya nagkulang sa tulong na pagbibigay, pumapasok ka man sa trabaho o hindi, lahat kami pantay-pantay, siyempre dumating ang pagkakataong hindi na niya kayang i-sustain ang lahat," ani Alfonso.

Nagbigay naman ng klaripikasyon ang kapatid ni Angie na si Atticus na hindi magsasara ang branches na pag-aari niya pero may tanggalan pa ring magaganap.

"For my group we have decided to retrench and we are trying our best to keep the lights on, presently we are still catering to our medical frontliners," ani Atticus.

Sa isang pahayag, sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo Puyat na ang pagtatanggal ng mga tao o pagtigil ng operasyon ng mga hotel ay isang istratehiya ng mga negosyo habang naghihintay na manumbalik sa normal ang industriya.

"Right-sizing short of closure or cessation of operations is a strategy to keep businesses afloat while waiting for market conditions to improve," ani Puyat.

Umaasa si Puyat na mangyayari ang pagbabalik ng mga industriya sa lalong madaling panahon.