Higit 1,400 kaso ng karahasan sa kababaihan, bata habang lockdown naitala: PNP | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Higit 1,400 kaso ng karahasan sa kababaihan, bata habang lockdown naitala: PNP

Higit 1,400 kaso ng karahasan sa kababaihan, bata habang lockdown naitala: PNP

Michael Joe Delizo,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng higit 1,400 kaso ng gender-based violence habang naka-lockdown ang bansa ngayong may banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa datos ng PNP na ipinresenta ng Philippine Commission on Women sa Kamara, nakapagtala ang pulisya ng 1,425 kaso ng gender-based violence sa buong bansa.

Kabilang dito ang karahasan sa mga kababaihan at bata, tulad ng pambubugbog na umabot sa 1,184; 122 kaso ng panggagahasa; at 90 kasong acts of lasciviousness o iba pang uri ng pambabastos.

Pinakamarami ang nai-report na karahasan sa mga babae sa Region 7 o Central Visayas na umabot sa 407, 122 naman sa Region 6 o Western Visayas, 113 sa Region 4-A o Calabarzon, 112 sa Region 13 o Caraga, habang 104 naman ang naitala sa Metro Manila.

ADVERTISEMENT

Hindi pa malinaw kung mas mataas ang kaso ng karahasan sa panahon ng quarantine period pero nakikita ng PCW na posibleng mas mataas umano ang numero dahil may iba pang nagpasaklolo sa mga NGO, barangays, Women and Children Protection Units, Social Welfare and Development Officers, at iba pang services agencies.

Sa PCW lang, pinakarami umano ang nagsumbong sa kanila ng pisikal at mental na pang-aabuso ng intimate partner, ganoon din sa panggagahasa at iba pang sexual harrassment.

Inaasahan din ng PCW at Commission on Human Rights na tataas pa ang datos ngayong puwede nang makalabas ng bahay ang mga biktima para makapag-report matapos maging limitado ang mga serbisyo para tutukan ang responde sa virus nitong mga nakalipas buwan.

Sa mga nais magreport, maaaring tumawag sa 117 hotline ng PNP.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.