SAPUL SA CCTV: Bata pumailalim sa sasakyan | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

SAPUL SA CCTV: Bata pumailalim sa sasakyan

SAPUL SA CCTV: Bata pumailalim sa sasakyan

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nakaligtas ang isang bata matapos madapa at pumailalim sa dumadaang sasakyan sa Sampaloc, Maynila noong Biyernes.

Sa kuha ng CCTV sa Barangay 452, Zone 45, mapapanood na nagtatakbuhan ang tatlong bata sa Dela Fuente Street, Sampaloc nang madapa ang isa sa kanila sa gitna ng kalsada.

Habang nakadapa, biglang dumaan ang isang SUV at pumailalim ang 8 anyos na si Samson Agura III.

Nang makalagpas ang sasakyan, makikitang nakaligtas si Agura at tumakbo papunta sa kaniyang mga kalaro.

ADVERTISEMENT

Nabigla sa Agura sa nangyari pero sinabi niyang tila may nagligtas sa kaniya.

"Parang may dumagan sa 'kin tapos 'di ako makatayo. Natakot ako," ani Agura.

Kinagabihan lang nalaman ni Amalia Guevarra, ina ng bata, ang insidente.

Kuwento niya, namili siya ng school supplies at ibinilin sa biyenan ang anak.

Mabuti na lang daw at walang kahit anong galos ang anak.

"Nagpapasalamat ako kasi walang nangyari. Pangalawang buhay na niya," ani Amalia, na mag-isang itinataguyod ang anak.

Pinaalalahanan naman ng barangay secretary na si Elizabeth Santos ang mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak at mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho sa mga mataong lugar.

-- Ulat ni Kevin Manalo, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.