Programang pangkabuhayan para sa mga katutubo, inilunsad ng DA | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Programang pangkabuhayan para sa mga katutubo, inilunsad ng DA

Programang pangkabuhayan para sa mga katutubo, inilunsad ng DA

ABS-CBN News

Clipboard

Maaari nang manghiram ang mga katutubo ng perang pangkabuhayan mula sa Department of Agriculture (DA).

Sa ilalim ng programang Kabuhayan At Kaunlaran ng Kababayang Katutubo o 4K, na inilunsad ng kagawaran nitong Linggo, maaaring pagkalooban ang mga benepisyaryong katutubo ng hanggang P300,000 sa kada limang ektaryang lupain na ancestral domain.

Hahatiin ang loan sa P5,000 kada buwan at hindi papatawan ng interes.

Sasanayin din ang mga katutubo na magtanim ng iba't ibang mapagkakakitaang puno at mag-alaga ng mga hayop gaya ng baboy, kambing at manok.

ADVERTISEMENT

Tinatayang nasa P1 milyon kada ektarya ang inaasahang kikitain ng mga benepisyaryo ng programa.

Nasa 20,000 pamilya ang makikinabang sa programa, ayon sa DA.

-- Ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.