Schedule ng mga flight ng airlines, muling binago | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Schedule ng mga flight ng airlines, muling binago

Jekki Pascual,
ABS-CBN News
Published Jun 02, 2020 05:59 AM PHT
|
Updated Jun 02, 2020 07:04 AM PHT

Binago muli ng mga airlines ang simula ng pagbabalik ng commercial domestic flights sa bansa.

Ayon sa Philippine Airlines, sa Miyerkoles ang unang batch ng domestic flights nila.

Unang sinabi ng PAL na sa Lunes magsisimula ang domestic flights nila, ngunit binago nila ito at ngayon ay sa June 3 na ang anunsyo nila.

Ang unang batch ng domestic flights ng PAL sa June 3 ay Manila papuntang Cebu, Davao, Dumaguete at Cagayan de Oro habang ang ibang lugar ay may flights simula June 8 o June 15.

Ang Cebu Pacific ay may bago rin schedule kaiba sa una nilang anunsiyo.

Ngayong Martes dapat ang unang domestic flight nila ngunit binago rin ito at sa Miyerkoles na rin ang unang batch ng kanilang domestic flights.

May flight sila papuntang General Santos, Naga at Cagayan de Oro sa June 3.

Ang AirAsia naman ay sa Miyerkoles din at may flights sila papuntang Cebu, Davao, Tacloban, Cagayan de Oro, Bacolod, Tagbilaran at Davao.

Ayon sa AirAsia, sa NAIA Terminal 3 muna sila dahil sarado pa ang Terminal 4.

Paalala ng mga airlines, maaari pang magbago ang mga schedule depende rin sa patakaran ng mga local government units, kaya marapat na i-check palagi ang social media pages ng mga airlines.

Paalala rin ng Civil Aeronautics Board na bawal pa rin ang leisure travel o pagbakasyon at pamamasyal lang.