Bangkay ng babae, natagpuan sa ilog; 2 suspek, arestado | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bangkay ng babae, natagpuan sa ilog; 2 suspek, arestado

Bangkay ng babae, natagpuan sa ilog; 2 suspek, arestado

Noriel Padiernos,

ABS-CBN News

Clipboard

Bangkay na nang matagpuan ang isang 32 anyos na babaeng guest relations officer sa gilid ng ilog sa Barangay Tagac, Mangatarem, Pangasinan noong Biyernes.

Ayon sa pulisya, isang concerned citizen na konektado rin sa mga suspek ang nagbigay ng impormasyon na may inilibing na bangkay sa may ilog.

Base sa impormasyon, gabi noong Mayo 26 nang inilabas ng dalawang suspek mula sa bar ang biktima. Isinakay ito sa tricycle at dinala sa tabing ilog.

"Dinala nila dito, subalit hindi na pumayag 'yung biktima saka na nangyari 'yung commotion," paliwanag ni Police Col. Redrico Maranan, acting provincial director ng Pangasinan Police.

ADVERTISEMENT

Sinubukan pa umanong tumakbo ng biktima pero binato siya ng mga suspek at tinamaan sa ulo. Dito na siya inilagay sa gilid ng ilog at tinabunan ng malalaking bato.

Isang incumbent na barangay kagawad at ang kaibigan niya ang suspek sa pagpatay sa biktima. Mayroon na rin umanong kaso na may kaugnayan sa ilegal na droga ang dalawa.

Nagsisisi naman ang mga suspek sa kanilang ginawa.

Kasong murder ang haharapin ng dalawang suspek.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.