Japanese restaurant sa QC hinoldap | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Japanese restaurant sa QC hinoldap
Japanese restaurant sa QC hinoldap
Fred Cipres,
ABS-CBN News
Published Jun 02, 2018 03:00 PM PHT
|
Updated Jun 06, 2018 02:26 PM PHT

MAYNILA – Nilimas ng apat na holdaper ang mga gamit ng mga customer sa loob ng isang Japanese restaurant sa kahabaan ng Scout Tobias at Loscano Street sa Barangay Laging Handa, Quezon City Biyernes ng gabi.

Apat na lalaking sakay ng motorsiklo ang pumasok sa restaurant alas-7:30 ng gabi.

Kuwento ng isa sa mga waiter na tumangging magpakilala, isang lalaki ang unang pumasok sa restaurant at nagtanong umano kung saan ang city hall. Agad siyang sinundan ng dalawa pang kawatan habang ang isa ay nagsilbing lookout sa labas ng establisimiyento.

Hindi nagtanggal ng helmet ang tatlong lalaking pumasok sa restaurant nang magdeklara ng holdup.

ADVERTISEMENT
Tinutukan ng baril ang mga customer at mabilis na kinuha ang kanilang mga gamit.

Sa kuwento ng isa sa mga biktima, naghiwa-hiwalay umano ang mga holdaper nang makapasok sa restaurant na tila pinagplanuhan talagang pagnakawan.

Wala pang isang minuto ay nakuha na ang mga bag ng mga customer. Sabi ng waiter, limang mesa ang okupado ng customers, kung saan dalawa hanggang tatlo ang nasa bawat isa. Lahat sila ay nakuhanan ng gamit tulad ng cellphone at wallet.

Isa sa mga customer ay buntis na natangayan ng kaka-withdraw pa lamang sa ATM na P50,000 habang isa pang kliyente doon ang natangayan din ng motorsiklo.
Tinatayang libo-libong halaga ng salapi at cellphones ang nakuha mula sa mga customer ng restaurant.

Hindi naman kinuha ng mga holdaper ang kita sa kaha ng restaurant.

Ayon kay Barangay Chairman Mari Rodriguez, walang security guard ang naturang establisimiyento.