Batang magpinsan nalunod sa hukay na may tubig sa Abra | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Batang magpinsan nalunod sa hukay na may tubig sa Abra

Batang magpinsan nalunod sa hukay na may tubig sa Abra

ABS-CBN News

Clipboard

Kuha ng Tayum PNP
Kuha ng Tayum PNP

Dalawang batang magpinsan ang nalunod sa isang hukay na may tubig sa bayan ng Tayum, Abra, Biyernes ng hapon.

Ayon sa hepe ng Tayum Police na si Police Lt. Michael Quela, nalunod ang mga batang lalaki, na edad 4 at 5, sa naturang hukay sa Barangay Poblacion.

Ani Quela, bago makitang palutang-lutang ang mga bata sa lugar ay naglalaro ang mga ito sakay ng kanilang bisikleta nang maisipan nilang maligo.

Isinugod sila sa ospital pero idineklara silang dead-on-arrival.

ADVERTISEMENT

Ipinagbabawal na ng pulisya ang sinuman na pumunta sa pinangyarihan ng insidente.

Samantala, isang 13-anyos na binatilyo rin ang nalunod sa ilog sa Barangay Bagutong, bayan ng Flora sa Apayao, Linggo ng umaga.

Base sa imbestigasyon ng Flora BFP, nagpunta ang biktima sa ilog kasama ang mga kaanak para maghugas ng damit at ng motorsiklo.

Sinabihan ang mga bata na manatili lang sa gilid ng ilog pero maya-maya, nakita na ang biktimang nasa gitna ng ilog habang nakataas ang kamay.

Sinubukan siyang kunin ng nga kamag-anak pero nabigo dahil sa lakas ng agos ng ilog.

Matapos ang 31 oras, nahanap ang bangkay ng biktima sa bahagi ng Simmayong, Abulug sa Cagayan bandang alas 6:30 ng hapon nitong Lunes. – Ulat nina Grace Alba at Mae Angelei Daos Cornes

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC

Read More:

lunod

|

Tayum

|

Abra

|

hukay

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.