Babaeng dating nakaligtas sa pamamaril, patay sa parehong krimen | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

Babaeng dating nakaligtas sa pamamaril, patay sa parehong krimen

Babaeng dating nakaligtas sa pamamaril, patay sa parehong krimen

Jeff Caparas,

ABS-CBN News

Clipboard

Patay ang isang babae matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Las Piñas noong gabi ng Martes, 3 linggo matapos ding pagtangkaan ang kaniyang buhay.

Sa kuha ng CCTV sa krimen sa Barangay Pulang Lupa Uno, makikita ang isang lalaking may akay-akay na bisikleta, na lumapit sa 2 babaeng magkausap sa tabi ng kalsada.

Nang makalapit, bumunot ng baril ang lalaki saka pinaputukan ang isa sa mga babae. Nakatakbo pa ang biktima papalayo pero bumulagta rin, base sa kuha ng CCTV.

Ginamit naman ng gunman ang bisikleta para makatakas.

ADVERTISEMENT

Ayon sa mga residente, 2 putok ang kanilang narinig.

Dagdag ni Jonathan Donor, kapatid ng biktima, posibleng may kaugnayan sa droga ang pagpatay sa kaniyang kapatid na taga-Cavite.

"Pinagsabihan ko na 'yan, sabi ko, 'Umuwi ka na. Dalawa lang mapuntahan mo, kamatayan o kulungan,'" ani Donor.

Kuwento ni Donor, pinagbabaril din ang biktima 3 linggo na ang nakaraan pero nakaligtas ito.

Natukoy noon ang gunman pero nauwi umano ito sa pakikipag-areglo.

Patuloy namang inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng salarin. Isasailalim sa pagsusuri ang bala na ginamit sa krimen.

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC

Read More:

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.